Heart to Heart

Home

Advice Request

December 23, 2006

1. I'm a cute man…. (everybody says so).
Yea…. I look like 12 yrs old (although I'm 21 yrs old)…. my height and face just like 12 yrs old kid.

But most of the girls look me as her little brother (although they're younger than me), …. actually … I want to have a proper relationship… I don't want to be a little kid in their eyes…..

Do u have any advices to change their point of view?
 
ADVICE:
 
I would say just act and behave like a 21 years old man. I know someone who is in mid 30's, but his looks is like a 17 years old teenager. His height as well as his body are small. He is aware of how other people perceive about him - a small teenager kid. Yet he just act and behave like other matured men.
 
Q: What is the best thing that I can do if I started getting jealous of a lady friend who flirts my first love & close guy friend?
 
ADVICE:
 
Just trust him…as long that you think and getting jealous to them, you will never be at peace of mnd…and its up to youre boyfriend wether he'll ignore it or what…

 

Q:

 

 Mahal Mo Ba Talaga Ako
i was so wrong,i trusted him so much,
then what do i got?
It all started when i got a chance to chat with our common friend, our friend wants to say something to me then all of a sudden she changed the topic, i told her.."i have every right to know something about him,if it's good or bad i have every right to know"
then the girl started telling me that my boyfriend was texting this girl in her class,"i have a crush on you,just keep it a secret ok?"
what would he think if i started texting on my boy classmate and telling him "i have a crush on you"
he would be angry.Still, i keep it a secret and didn't ask him about it,but i told him that our friend told me something ,then he started asking "so you know it?"
i was just "OOH,she just told me about her crush,why do i need to know something?"
Then he tried to change the topic…
and then asking me,"what's wrong?". I just answered"nothing, im just sick,but better be sick than backstabbed"

 

ADVICE:

 
Effective communication is the best thing to do if you want to save your relationship. You have to talk about it in a mature way and try to discuss your feelings (two-way, yours & his). Don't let emotions rule your better judgement

Posted by laila at 4:32 pm | permalink | Add comment

advice

Kayo kaya ang tanungin ko (sa mga married kong "friend"), ano sa palagay nyo ang dahilan kung bakit single pa ako???

 

 

 

Ilang ulit na bang nangyari sa iyo ito? Ngayon ang kasal ng pinsan mo. Heto ka ang ganda-ganda mo. Naghanda ka talaga dahil minsan-minsan lang ang okasyon sa pamilya nyo. Kadalasan sa mega lamay na lang kayo nagkikita-kita so ngayong kasal ng pinsan mo, gusto monamang maging maganda at mapansin nila. Aba, napansin ka nga. Ganito
ang tanong ng lahat ng kaanak mo sa iyo…"O ikaw kelan ka ikakasal?" "Uy, ikaw na ang susunod ano?" Parang gusto mo na sa susunod na lamay sila naman ang sabihan mo ng "Ikaw, kelang ka susunod?"

 

Huwag kang malungkot. Ito gusto nga kitang sumaya kaya sinulat ko ito. Hindi ka dapat malungkot dahil maraming posibleng dahilan bakit hindi ka pakinakasal hanggang ngayon. Hayaan mo silang mainip sa paghihintay. Basta kung okay ka, okay ka. Hayaan mo tulungan kita mag-isip kung bakit wala ka pa ring asawa hanggang ngayon. Naisip ko na 'yan eh. Ito ang sampung dahilan bakit wala pa.

 

1. Kailan gan mo! ng mag-concentrate sa career. Hindi na uso ang mega babaeng pambahay ngayon. Kalimitan meron ng tinatawag na career. Habang hindi ka pa tinatamaan ng palaso ni kupido, hamo na munang mag-concentrate ka sa trabaho mo. Kailangan mong ma-achieve ang full potential mo bago ka mag-asawa, kasi 'pag nag-asawa ka na, tanggapin na natin, iba na ang mega prioridad mo sa buhay. Lagi ng mauuna ang pamilya. Habang feel mo pang lumaban ng lumaban sa rat race at umakyat ng umakyat sa corporate ladder, huwag mong panghinayangan na wala ka pang sariling pamilya.

 

2. Masyadong mataas ang standards mo. Ibaba mo kasi ng konti, baka naman kahit si Rizal hindi ma-achieve yung standards mo. Tandaan mo, si Rizal kahit na bayani medyo babaero din. Walang taong perpekto. Kahit naman ikaw di ba? Meron ka ding kapintasan? Baba mo ng konti, yung katarungang pamantayan lang. Baka naman naghahanap ka ng Richard Gomez eh Pokwang na Pokwang naman a ng dating mo. Lumagay ka lang sa dapat mong kalagyan. Baka naman naghahanap ka ng kasing yaman ni Zobel eh ikaw naman eh pobre din lang naman. Huwag. Huwag ganoon. Para kang g**o non. Baka naman naghahanap ka ng smart, na gwapong, mayaman. Ate, kung ganon ang hanap mo, malamang tatandang dalaga ka na talaga. Di lahat binibigay ni Lord. Di bale kung salat sa face value, babawi na lang siguro yung sa bait at sa talino. Kung puro face value naman, at salat sa kaalaman or masama ang ugali, manalig ka na lang na baka pag pinakain mo ng gulay tumalino or ito the best, lahat naman ng tao nagbabago. Pwede pa 'yan bumait.

 

3. Hindi ka lumalabas ng bahay. O baka lumalabas ka nga ng bahay, sa opisina lang naman ang punta mo. Huwag ganon. Sumama ka sa mega kaibigan mo, mag-mall ka, magsimba ka, mag-outreach program ka. Huwag mong panisin ang sarili mo sa bahay dahil wala talagang makakapansin sas iyo sa bahay. Mag-aral ka ng pain ting, voice lessons at Yoga. Imaginin mo kung magka-boyfriend ka na Yoga master?! or di kaya, chef. O di ba cool 'yun? Magliwaliw ka sa bookstores, sa coffee shops, at kung saan-saan pang mataong lugar. Baka sakali mapansin ka doon.

 

4. Baka naman sobrang tapang mo. Oo nga naman, baka naman sobrang masungit ka at natatakot sa iyo ang mega potential suitors mo. Baka dapat kang maging approachable ng konti. Baka masyadong maangas ang dating mo imbis na matuwa sa iyo matakot. Baka sobrang independent mo, at parang mabubuhay ka ng wala silang lahat. Minsan may epekto rin 'yan. Baka sobrang talino ng dating mo pakiramdam nila mababara lang sila or baka 'pag pinadalhan ka ng love letter eh i-edit mo ng red ink pen. Magkunwari ka kayang t**** minsan-minsan, tingin mo?

 

5. Baka naman kasi losyang ka. Oo nga naman, mag-ayos ka paminsan-minsan kay lang kung pangit ka, pangit ka talaga. No amount of make up can change that. Pero at least pwede ma-enhance ng konti.

 

6. Baka naman hinahanapan pa ni Lord ng ribbon ang para sa iyo. Natatandaan ko ang sabi ng kaibigan ko. Blessing daw from the Lord ang mega girlfriends/boyfriends. O eh baka naman hinahanapan pa ni Lord ng magandang ribbon yung regalo mo. Kasi baka daw 'pag hindi maganda ang packaging i-reject mo.

 

7. Baka naman nagtitipid sa toll fee yung para sa iyo. Malay mo kasi taga-Norte yung para sa iyo eh mahal naman ang toll fee. Baka nagtitipid dumaan sa walang toll kaya medyo natatagalan.

 

8. Baka naglakad yung para sa iyo. Parating na 'yon kaya lang mahal ang gasolina so naglakad na lang papunta sa iyo. Besides, walking is good for the heart daw. Baka sa kakalakad naligaw na. Ito pa namang mega lalaking ito, hindi magtatanong kung hindi pakiramdam nila naliligaw na sila.

 

9. Baka naman sadyang torpe lang yung para sa iyo. Baka naman nag-iipon pa ng lakas ng loob o di kaya nag-iisip pa ng magandang tiyempo. Baka talagang hindi lang siya makapag-salita dahil sobrang mahiyain niya. Baka naman dapat makiramdam ka rin ng konti kasi talagang deadma ang dating nito. Baka dapat tinatanong ng unti-unti.

 

10. Baka naman talagang for single blessedness ka. Ipagdasal mo. Baka naman kasi pinapagod mo ang sarili mong kakaisip bakit you're still single eh hindi naman kasi marriage ang plan ni Lord for you. Paminsan-minsan magtanong ka kasi sa Kanya baka naman ikaw ang naliligaw. Baka naman ikaw ang nagtitipid. Baka naman kasi ikaw angtorpe. Baka naman kasi ikaw ang problema.

 

Gasgas man, pero sasabihin ko pa rin. Darating Din Yun. Kung para sa iyo, para sa iyo. Kahit iwasan mo para talaga sa iyo.

 

"It is not wise to show one's heart to the world - and as seriousness of manner is the disguise of the fool, folly… is the robe of the wise man…" –oscar wilde

Posted by laila at 4:27 pm | permalink | Add comment