Home » Archives » 21. November 2007
mahirap mabasa….
November 21, 2007Kamusta naman ang level mga bespren kong natixxx? nag miryenda na ba kayo?? yawwwwwn!! antok pa ang lola niyo… ewan ko ba si tulog talaga ako.. yan ang kasiyahan ko sa buhay… ang matulog.. BOW!! dahil nagpalipas na ako ng gabi sa qc because of uplate kaninang madaling araw umuwi ako ng mga alas syete ng umaga.. nakarating ako sa amin sa las pinas ng bandang quarter to nine am… medyo matraffic kasi!! nagpunta ako ng sm dahil nagbayad ako ng mga bills at bumili ng pangilan- ngilang gamot ng aking mother dear. wala pa akong matinong tulog form last night kaya idlip galore ako ng mga banding twelve thirty.. nagising ako ng mga alas dos y medya.. naku patay kang bata ka.. late na ako.. nagmadali na naman ang lola niyo… hahahahahaha!! kaloka talaga!! pagkatapos ng aking nakakangarag na ligo.. fly na ako agad!! Tumutulo-tulo pa ang hairlaloooh ko!! Hahahaha!! pagsakay ko sa jeep.. nararamdaman ko na ang pasko… iba na ang simoy ng hangin… amoy pasko na!! haaaah… sarap! Nung nasa mrt naman ako.. may katabi akong babae.. ayos naman ang porma niya.. mukhang working girl at desente.. yun nga lang naturn-off naman daw ako nang bigla siyang humikab ng pagkalaki-laki at may sound effects pang haaaaaah.. na kasama!! Ayos lang sana yung hikab eh.. ang di ko kinaya eh yung amoy ng hininga niya!! Amoy isdang hilaw ang hininga ng lola mo.. feeling ko tuloy para akong nasa farmers market nung mga sandaling yun.. napatingin pa nga ako dun sa isa kong katabi at napangiti naman siya siguro dahil alam niya kung bakit hindi maipinta ang mukha ng lola ninyo. Kaya mga natixxx nest time when you yawn.. be conscious ha?? Di ko naman sinasabi na amoy isdang hilwa din ang mga hininga ninyo pero i-cover natin ang bibig natin kapag nag-ya-yawn!! Grabe… amoy sushing may kaliskis talaga!! Praaaaamiiiisssszzz!! Hahahaha!! pag dating ko naman dito sa booth eh di trabaho na naman!! nakita ko pa nga sa labas ng booth namin si mr. eddie garcia!! gusto kong magpa-picture kaya lang busy si manoy kaya pinagmasdan ko na lang siya from afar. maputi naman pala siya sa personal at matikas pa ha?? say nga niya.. the secret to my good health is excersise at vitamins =)
dito pa rin ako sa office while doing my blog.. anlakas kasi ng ulan kaya di ako maka-uwi!! paalis na yung isang bagyo pero may parating namang bago… si nina… kay mga natixxx ingat lagi at ang mga payong wag lilimutan!! mahirap nang mabasa… lalo na kung may lahi kang.. pusa!! Hahahaha!! Ingat po lagi!!
Weekenjust another not so manic monday…. and the winner is….
hey!! im back.. text back!! chossss! sana ok naman ang araw niyo ngayon mga bespren kong mga natixxxx!! sa sobrang pagod sa ilang araw ng pagpupuyat at pagraraket.. itong lunes na to… sabi ng katawan ko… mag gym tayo.. sabi naman ng utak ko… kailangan nating magpahinga!!… and the winner is… ang UTAK KO!! grabe.. natulog ako maghapon at talagang bumawi ako sa mga pinag pupuyat ko sa mga nakalipas na araw!! mga bandang alas onse ng umaga kanina bumangon ako saglit para magrecord ng showbiz ko sa dzmm…. sabi ng tyan ko…. oist.. gutom na ko… sabi naman ng utak ko.. care ko sa yo… gusto ko pang matulog!! and the winner is… ang UTAK ko!! grabe talaga wala na kong ginawa kundi matulog!! nagising ako mag a-alas kwatro na kaya dali dali naman ako nag gayak baka mahuli ang lola niyo!! pag dating ko sa booth ok naman ang boardwork… mga bandang alas syete tumawag si bonggang bonggang domi espejo… ang incharge sa games uplate live.. not feeling well daw si mareng jaymee joaquin kaya sasalang ako sa uplate!! buti na lang pala at natulog ako maghapon kundi lulugo-lugo ako sa tv mamaya!!
Weekend update…
Goooooooood afternooooon ng bonggang bongga mga natixxxx!! kamusta naman ang level niyo on a sunday?? im sure marami ang tinatamad, pa-easy easy o kaya naman nakahilata sa mga kama nila ng bonggang bongga!! well… hindi naman kayo ma-blame ng lola niyo dahil ang linggo naman talaga eh araw ng pahinga for most of us!! MOST… but not me… busy, busy, busy ang lola ninyo!! im here at the booth while making this blog.. tumutugtog ang darna at eto naman nakikita ko si mareng rachelle anne at si papa christian sa tv.. nagdu-duet sila… parang ako ang nahuhurt sa ginagawa ng dalawang ito. ( break na sila ) and i dont want to go in full details dahil parehas ko silang friends and i treasure the friendship. =)
mabalik tayo sa busy, busy, busy.. that is the word that best describes me. last week was bonggang bonggang ngaragacious to the highest level para sa kin… monday palang i've been making phone calls o kaya naman ako ang tinatawagan dahil sa mga events na involved ako.. syempre may preparation factor yan before the event diba?? kaya monday palang naloloka na ang byuti ko… but i am not complaining… kasi naman blessing yang mga raket na yan kaya thankyou LORD. love mo talaga ako!! =) noong thursday… nakakaloka kahit malakas ang ulan go kami ng bespren ric rider ko sa opening ng victory central mall. ala una yun hanggang alas kwatro tapos pagdating ko dito.. nag voice over pa ako for tfc's kapamilya channel and then board work ng bonggang bongga!! naramdaman ko talaga ang pagod noong araw na yun ha?? buti na lang may vitamins!! at kerri lang kasi naman isang buong raw ang pahinga ng lola niyo noong friday… my boss assigned me kasi to sit in on bespren regie's program dahil nominated ang lolo ninyo for best radio magazine show at best radio magazine talk show host!! at congrats ng bonggang bongga dahil panalo po ang heart to heart as best radio magazine talk show!! at congrats na rin sa bespren martin d ko for being the best fm radio jock!! taob silang lahat sa lolo niyo!! yahoooo!! naka-uwi ako ng bahay ng bandang alas dos tapos naman nun nagising ako ng 7:30 am saturday dahil pupull out ang van namin ng 8am going to sm muntinlupa… grand opening kahapon at bibinyagan ko ang stage nila plus nag stickering kami ng bonggang bongga dun!! nga pala…. maraming salalalalalalalamat po sa lahat ng nagpunta sa sm muntinlupa…. sa mga nagpadikit ng sticker.. thankyou po.. lahat na ng uri ng sasakyan nakita ko… tricycle, jeep, fx, truck, vans, sidecar, kariton, owner .. kulang na lang barko at nadikitan na namin ang lahat!! thankyou din sa mag nanood ng mall show sa loob ng sm muntinlupa kasama ko si Sergio… dingdong dantes. =) pagkatapos nun fly na kami pa-manila.. nakarating kami mga five pm na dito at nagrest lang ako ng unti.. tapos naligo at gumow sa isa ko pang raketship!! ang boombera pooooh ako!! funny talaga si pooh at peachy!! after the gig at metro bar dinalaw ko naman si mareng maja dahil namatay na nga ang kanyang daddy. nakiramay naman ang lola niyo at nakakwentuhan ko nga siya… alam niyo may naututunan ako today.. minsan pala kahit na ang linya ng trabaho mo eh conncected sa mundo ng showbiz there are some things talaga na hindi mo sasabihin in public and you woukd just rather shut your mouth dahil tine-treasure mo ang friendship mo with that celebrity.. i am a firm believer na kahit na public figures man ang mga artista.. may personal lives din naman sila at marunong silang umiyak at masaktan off-cam!! papahinga lang ako ng konti at pagkatapos nun eh fly naman ako sa taytay rizal for sun cellular's isun araw ng sun saya!! kasama ko ang brownman revival at true faith mamaya!!




