Home » Archives » December 2007
nakakaloka!
December 31, 2007hello! hows your saturday and sunday? ako eto nasa booth while doing this blog! bago ako fum-ly kwentuhan ko muna kayo ha? i was really feeling so depressed noong friday to the point na i broke down in tears sa sm southmall! mukha akong tanga na umiiyak sa bench mag-isa nang biglang may isang babae na may kargang baby na lumapit sa kin sabi niya.. "excuse me.. pwede pong magtanong?"
sabi ko… "ano po yun?"
sagot niya.. "kamukha niyo po yung dj sa radyo… kayo po ba yun? napapanood ko po kasi kayo sa games uplate saka sa teleradyo! kayo po ba si laila?"
i replied by saying "opo ako yun pero malungkot ako kasi ngayon.. bakit po?"
sabi niya sa kin.. "wala nagulat lang ako kasi umiiyak kayo.. parang di po bagay sa inyo.. bakit ate? loveless ka ba?"
kamusta naman ang tanong nyang yun? nakakaloka diba?
sabi ko "hindi po… malungkot lang ako talaga!"
matagal tagal din siya na nakatabi sa kin. di niya ko iniwan until nagkita na sila ng kanyang kumare. sabi niya wag ka na umiyak. happy new year!
naloka talaga ako sa question niya.. but her prescence made me sorta ok. kahit na hindi ko siya gaanong kilala kinomfort niya ko in her own way! ewan ko ba… di ko naman ine-expect na marami na ang nakakamukha sa kin eh alam niyo naman ako nagpapaka-totoo lang. kung ano ang nararamdaman ko yun ang lumalabas sa facial expression ko! umuwi na rin ako ng bahay after ilang minutes nang pag-upo ko sa bench na yun.. ayaw ko kasing umuwi ng bahay namin na umiiyak. di ko pinapakita sa nanay ko na umiiyak ako kasi baka mamaya eh siya naman ang maapektuhan. i was feeling sad pa rin kahit na nung boardwork ko nung hapon pero bawi-bawi naman dahil ok ang mga callers ko at smooth sailing ang trabaho. to cap it off.. nawala talaga ang depression ko nang tinawagan ako ni carla… taga "sharon" siya. she asked me kung pwede akong lumabas sa taping ng sharon on january 14! syempre umo-o na ako agad diba? alam niyo once in my life eh sharonian talaga ako! noong bata ako.. hinding-hindi ako papayag nang hindi manonood ng pelikula ni megastar! maglulupasay talaga ako sa sahig para lang samahan ng mommy ko sa sinehan! may mga tape pa nga ako ni mega-star sa bahay at hahanapin ko ng bonggang bongga para mapapirmahan ko sa kanya! dahil sa phone call na yun.. nawala talaga lahat ng lungkot ko!
kahapon naman.. i was doing the year end countdown habang i was looking through my bag and i noticed that my coin purse was not there! naisip ko.. oh no.. di ko mabubukasan ang locker ko kasi nasa coinpurse ko ang bunch of keys ko! tawag ako agad sa bahay.. in a panicky mode.. sinabi ko sa mommy ko na naiwan ko susi ko… syempre mega panic din naman ang nanay ko… sabi niya hahanapin niya! natense talaga ako sa loob ng booth at habang nangangarag… bigla kong nakita ang headphones ko.. napaisip tuloy ako.. teka.. teka.. tekkkkaaaaaah! kung nagamit ko na ang headphones ko na nasa loob ng locker ko.. ibig sabihin… nabukasan ko na ang locker ko at ang susi ko at coin purse ko ay….. TAWAG AKO AGAD SA MOMMY KO.. SABI KO.. MA!.. WAG MO NA HANAPIN! KASI NAALALA KO, NASA KIN PALA YUNG SUSI NASA LOOB NG LOCKER KO KASI NASUOT KO NA ANG HEADPHONES KO EH! HAHAHAHAHAHA! syempre natawa sa kin ang nanay ko at sinabi niyang.. manang-mana ka sa pinagmanahan mo! kaloka talaga ako sa pagka ulianin minsan! siguro dapat mag laro ako more often ng memory game! watcha think?
after my boardwork kahapon diretso ang lola ninyo sa dasmarinas cavite para sa sun cellulars isun araw ng sun saya! last caravan show na namain yun at mamimiss ko ng bonggang bongga ang lahat ng nakasama ko dun! hindi ko nga ine-expect na bibigyan ako ng sun cellular ng regalo! nagulat talaga ako ha? guess niyo kung ano? at habang hinuhulaan niyo kung ano ang ibinigay sa akin ni sir jojo geslani at ni sir niel.. enjoy the pics! kasama ko kasi sina bodie, nel, charmel, kathlyn and ashley of 26k! =)
eto kami nina bodie at nel… since isang tumbling away lang ang subdivision ko sa subdivision nina bodie sabi niya after noche buena drop by daw kami sa bahay nila dahil andun si nel.. dun siya magnu-new year! nakakatuwa talaga tong dalawang ito! they really became friends because of pbb2! at kamusta naman si bodie sa picture na ito? sinabi ko na nga ba at hindi si gee-anne ang gusto niya eh! sabi ko na nga ba.. may HD ito sa kin eh! hahahaha!
eto naman ang wacky picture naming tatlo! im blessed to have lots of celebrity friends talaga! =)
at kamusta naman ang level ko dito? pasado na ba kong maging 26k o mukha ba kong yaya pag nakatabi ako sa kanila? =) from left to right… ashley, me, kathlyn and ang makamandag na si mareng charmel! kasing bakla ko pala ang mga ito.. kaya naman i got along with them agad! =)
ang cellphone number ko!…. bow!
December 29, 2007hellowerzzzz! how is how is mga bespren kong natixxxx? hope ok kayo at to the highest level ang arrrrrrive niyo today! mag a-alas dose na ng madaling araw pero hyper na hyper pa rin ako! baka naman kasi naka dalawang tart ako at isang brownie kaya ganun! shuxxx! calorieeees! dapat magbonggang bonggang walking ako bukas to burn the calories! =) katatapos ko pa lang na ireply at mag update ng ktext ko kaya ito namang blog ko ang ina-atupag ko! for those of you who wonder kung parehas lang ang nilalaman ng k-text at blog ko.. i try not to! para naman hindi madaya diba? =) eto nga at marami ang nagtatanong na mga ktexters ko ng totoo kong numero kaya naman nasabi ko sa kanila na i dont really give away my number hindi dahil may ere na ako kundi kasi natrauma na ang lola niyo dahil ang numero ko before ay nakarating na ng guam, states, rome, spain, canada, japan, hongkong, korea, u.k tapos bumalik dito sa pampangga, boracay, palawan at kumembot pa sa panggasinan! kaya nga sabi ko sa kanila sana maintindihan nila ako kung pinagdadamot ko ang numero ko. at buti pa nga talaga ang cellphone number ko nakarating na sa ibang bansa at sa bora samantalang ang katawang tao ko ni isang beses hindi pa nakaka-apak ng boracay! kaloka diba? masarap kaya sa bora?.. hmmmm…. = )
Nagrereply sa KText
December 28, 2007mega tanong din sila kung ako ba talaga ang sumasagot sa ktext ko kasi baka daw may mga ghost writters. ewan ko sa iba.. pero ako.. yezzz! ako talaga ang sumasagot kaya nga minsan eh may mga backlog dahil nagiging busy din naman ang lola ninyo! super hyper talaga ko ha? kanina naglinis ako ng kwarto ko! malapit na kasi ang bagong taon kaya hindi ko man afford ang bagong kwarto eh di bagong linis will do! =) naglipit ako ng mga papel papel.. na pwede ipakilo sa dyaryo bote, mga gamit na di na useful ikinahon ko na at ang mga damit na wala na sa uso..ikinahon ka na rin! see you sa next trend ng fashion! at dahil nga super sipag ang feeling ko kanina.. mega bunot pa ko ng sahig! hala-bira ang drama ko kanina! sarap!! para din akong nag work-out! feel na feel ko ang paglilinis ko! sana nga bukas sipagin pa ko para yung ibang parte naman ng bahay ang malinis ko! o kayo? baka madumi bahay niyo.. tulungan ko na kayo sa paglilinis! hahahaha! =) gudnyt natixxxx! =)
Salamat
December 25, 2007happy birthday to me.. happy birthday to me… happy birthday, happy
birthday… haaaaaaaapy biiiiirthdaaaaaaaay… toooooh meeeeh!
BABALA:
ang entry kong ito ay makabagbag damdamin.. maghanda po kayo ng tissue!!
medyo naging busy ang inyong lola… kinarir ko talaga ang pagawa ng
brownies, cookies at chocolates! di pa nga ako tapos pero pahinga muna
ako… salalalalalamat po sa lahat ng bumati sa akin sa aking special day.
halo ang nararamdaman ko today, masayang-malungkot. masaya dahil
naramdaman kong madami ang nagmamahal sa akin, marami ang naka-alala,
hindi ko man po kayo maisa-isa.. hindi ko man kayo personally kilala
maraming salalalalamat po! sa lahat ng nagmamahal sa kin, sa lahat ng
napasaya ko dito sa ating mundong ibabaw at sa mga nauna na sa atin…
salamat naman at nakapagbigay ako ng aliw.. importante sa akin na
napangiti ko kayo in the lowest point of your lives. masaya dahil itong
taon na ito.. I am blessed by God ng sobra sobra at bonggang bongga! kaya
naman I do my best to be a blessing to others dahil sobra-sobra sa
hiniling kong biyaya ang ibinigay niya. paano mo sasabihin kay God na God
bless you kung siya na nga si God? .. diba? ang gulo?? Thankyou Lord… ng
bonggang bongga sa ipinahiram mong talent sa akin. what more can i ask
for? wala na yata.. sana lang huwag siyang magsawa na magbigay ng biyaya.
masaya dahil nagkaroon ako ng career sa t.v. hindi ko ine-expect na
mapupunta ang beauty ko sa telebisyon. pero pangako ko sa inyo na hindi ko
naman iiwan ang radyo dahil kung hindi sa inyo wala ako ngayon sa
kinalalagyan ko.. kaya naman lubos lubos.. at bonggang bongga ang
pasasalalmat ko sa inyong lahat!
THANKYOU LORD!
mommy, kuya niqui, jude.. thankyou for understanding me. para sa inyo laht
ng ginagawa ko.
daddy.. sana wag ka nang umalis ulet ng bahay
to my extended family at itinuring na rin naman ako na tunay na anak at
kapatid… LAGAMAYO FAMILY tito danny, tita evelyn, tita lyn, daniel,
mike, peter, joey and jickie.. di niyo man to nababasa ngayon… thankyou!
LAILANATICS and LAILARICIANS sa unconditional love, sa walang sawang
pagsuporta, sa laging pakikinig sa programa namin sa radyo, sa lahat lahat
na… i will not be here kung wala kayo!
GANUN NA RIN SA LAHT NG FANS NG MGA ARTISTA TULAD NG POPSTERS, YENGSTERS,
TUESDAY REVO, CHURVRES, ERIK SANTOS FRIENDS ONLINE, ERIK SANTOS FANATICS
AT MGA SHINIANS, VINA FOREVER FRIENDS AT SHAINATICS, PATI NA RIN ANG
CUTIES NI MARENG MAJA SALVADOR!
salalalalamat radyo - sir peter musngi, sir eli, maam marah, sir angelo
palmones at syempre ang mga bespren ko sa radyo mga co dj's ko.. MARTIN,
BILLIE, TONI, R-NOLD, REGGIE, CHINE HEART, RIC RIDER AT JACK MELO!!
thankyou abs-cbn!!
sa mga naniniwala sa kakayanan ko.. salalalalalamat po sa inyo.. sir ted
failon to the highest level ka! mareng ate b., papa toni v!, miss
beautiful mareng karen davilla, papa vic brother, amy perez, sa lahat ng
taga dzmm, tito boy abunda!
mae valle ceniza, weng sayat, rey jorca supranes, charlie nabartey.. mga
tunay ko kayong kaibigan! salamat po!
star records at star cinema.. di man ako magaling kumanta kerring keri
naman ang hosting powers! cynthia and david thankyou for being such
wonderful friends. roxy, mico, kuya jun vanessa at mosang thanks sa mga
raketships at salamat sa mga passes!
asap synergy kuya ronald at mareng jen thanks!
abs-cbn ccm sir robert labayen, faith zambrano, miam, peewee, tiny, eric
po!
domileo espejo of abs cbn interactive and sir mike of endemol thankyou for
putting my face on tv!
sa mga nagmemake up sa kin sa abs-cbn at sa reyes haircutters.. salamat po
at pinagtyagaan niyo ang mukha ko!
abs-cbn corporate sir bong osorio, onnel, lorie, maam chris, kane, kathy
abs-cbn regional salamat po sa mga karaketan!
sa mga kaibigan ko at mga naktrabaho ko sa showbiz bonggang bonggang
pasasalamat at it is a pleasure to have worked with you.. forever kong
ichecherish ang mga sandaling nagkasama tayo sa stage. pag inisa-isa ko
kayong lahat at may nalimutan ako.. may magtatampo kaya para safe,
thankyou to all lalung-lalo na kay kokey! ( kurek-kurek-kurekuk! )
sa mga naniniwala sa kakayanan kong chikadora ako! salalalamat po! mj
felipe.. you are my best budd sa balat ng showbiz! tita julie bonifacio..
ang kasparring ko sa mga chika. thanks. tita ethel and chit ramos, nanay
cristy, jobert at ambet nabus.. mabuhay kayo!
pbb season 1 housemates.. thankyou! kumander nene and husband anthony,
mareng say, uma, bob, sam, jenny, cass, teacher racquel, jb, rico, franzen
at jayson plus direk laurenti dyogi!
sa mga tao outside abs-cbn na nagbigay at naniwala sa kakayanan kong
maghost at magpasaya ng mga tao… thankyou! jonnifer santos of hopewell
productions, direk toink, donito nose at jowawa, eli, dhon manuson of
wishcraft, scribbleworks, century tuna, argentina corned beef, jsu
corporation, globe, sun cellular, smart at talk n text, viva
entertainment, nitram at lahat ng recording companies na naging parte ng
buhay ko THANKYOU!
sa mga naging boss ko dati at mga napagtrabahunan bago ko naging dj,
salamat po sa training at sa mga memo.. hindi ako magiging ganito katatag
kung hindi dahil sa inyo.
dra vicky belo, mareng crystal and elise… thankyou for making my skin
makinis!
to my tita doc… dra. rose paguntalan and family, annalyn at mai-mai
alam niyo na yan!
BNY JEANS AND SHIRTS… through thick and thin mahal na mahal ko kayo!
Boss Daniel Villanueva, Bryan Lim at mareng marivic… salamat dahil
laging maganda ang tindig ko sa stage at sa camera dahil sa mga
bonggacious na damit niyo!
sa mga galit sa kin… salamat din.. matututunan niyo rin akong mahalin. =)
malungkot dahil isang taon na naman ang lumipas… nadagdagan na naman ang
edad ko. pero looking back at my achievements sa isang buong taon…. i am
95 percent happy and five percent sad! sad lang naman ako dahil nadagdagan
na naman ng isa ang bilang ng edad ko pero aside from that wala naman
akong ikinamumukmok dahil naging makulay ang buong 2007 ko despite the
trials na pinagdaanan ko. naging mahirap kasi ang pasok ng taon ko this
year pero super umariba naman siya noong kalagitnaan hanggang ngayon! at
lahat ng nabanggit ko pati ma rin kayo ay kasama at parte ng 2007 ko!
salalalalalalalalalalamat po ng marami! kayo ang award ko!! =) sana po
huwag kayong magsawa sa pagmamahal thankyou, thankyou, thankyou! =) at
merry christmas po bukas! mmmmmmmmmmmmmmwah! kung hinappy birthday niyo
ako.. i-happy birthday niyo din si JESUS ha? =)
miss me?
December 17, 2007hellower! miss niyo na ba ko? its been days and i apologize kung hindi ako nakakapag update. busy, busy, busy! kala ko nga bibigay ako last week kasi sinusumpong ako ng hikhik! ( hika! ) buti nalang nadaan sa gamot! may hika pa rin ako ngayon! pero kaya naman ng powers ko! tumakbo pa nga ako sa run for life kaninang umaga! sarap ng feeling pag nakikita mo na yung finish line na papalapit na ng papalapit sa yo! pininish ko na!! hahaha! =) ako nga lang ang taga radyo na tumakbo! parang nachi-chicken na nga ako kaya lang i said to myself na this is not just for charity.. this is also my run! as in… takbo ko to para sa sarili ko! nung kabataan ko kasi as in highschool days ko.. ako si miss fun run! kinakareer ko yan mga natixxx! so naisip ko ngayong umedad na ko… kaya ko pa kaya? kinaya ko pa naman pero kulang sa practice! happy na rin ako dahil di ako nagback out at masarap ang feeling kapag binibigyan ka ng certificate na natapos mo ang race! wohoooo! two thumbs up for me! at sa lahat ng tumakbo thumbs up tayong lahat! nung friday i was in a christmas party! naghost ako sa richmond hotel sa ortigas and sarah geronimo was there! charmee kasi yung christmas party at si mareng sarah ang endorser! after ng christmas party… i went to tycoon building in ortigas din at nagrecord ng voice over for mother lilly's bahay kubo starring miss maricel soriano! madaling araw na ko nakauwi…mga alas dos na! pagkatapos nun natulog na ko at alam kong gigising pa ko for taping ng game ka na ba? alas syete y medya ng umaga ang call time! nagising naman ako! for charity ang laro namin ng gknb! napaiyak naman ako sa benificiary ko. sabi ko kailangan makalusot ang powers ko! buti na lang kinaya! haha! =) hulaan niyo kung magkano naibigay ko sa beneficiary ko? nood kayo sa wednesday! im sure mukha na naman akong mataba dun! ewan ko ba mukha akong dabyana kapag nasa tv! kasama ko naglaro sina bespren arnold rei, bespren billie, si dylan na naghohost din ng cable show sa jack tv!, si glen garci at karenderya ng yesfm, si sexyterry at papa jack ng love radio atlast nagkita na rin kami! si chris at jhonny z from max and hit fm i think! pagka taping go na ko sa greenhills! finally mga bespren kong natixxx!! nabili ko na ang mommy ko ng gustong gusto niyang regalo! yehey! palakapakan! yahoo! yahoo! =) bukas darating siya sa bahay namin! surprise siya kaya di niya alam na padating na pala ang kanyang bago at bonggang bonggang……. saka ko na sasabihin sa inyo pag nasa bahay na namin! baka ichika niyo pa sa nanay ko! hahahaha! =) gabi na rin ako naka uwi form greenhills! mga 10:30 natulog na ko kasi maaga na naman ang gising ko today! 4:45 ako bumangon! 5:30 nasa Quirino grandstand na ko for run for life! =) ngayon habang may i write this blog… nakaboard ako… after boardwork.. i will be in glorieta makati for mas christmas sa abs-cbn mall tour! enjoy the pictures! =) nga pala i forgot to make you kwento… may isang bonggang bonggang tao na yumakap sa kin noong friday! will make kwento soon! hava blessed sunday! =)
game ka na ba? taping.. oh diba? game din si daddy edu? kamusta naman ang kissing scene namin? =)
sarah geronimo sa christmas party ng charmee, doctor p, prokids eq, at caress!
eto ang tree of hope na katumbas naman ng alam mo na yan! run for life namin! dahil sa mga nagdo-donate sa sm malls at nagsasabit ng mga christmas balls at tumakbo sa run for life! … makakapag patayo na po tayo ng mga classrooms para sa mga kapamilya nating mga aeta sa lopez, quezon! thankyou and god bless you!! =)
went to greenhills last saturday… hmmmmm… do you know who i'm with? =) hehehehe! =)
mano mano presscon!
December 11, 2007hi!! kamusta naman ang araw ng mga bespren kong mga natixx? bago ko matulog kukwentuhan ko muna kayo ng laila bedtime story! galing ako sa mano-mano presscon sa belismo resto ni papa cesar montano at ni mareng sunshine cruz! its in tomas morato cor scout castor! =) nice place, cozy at artsy ang dating! may mga exhibits din at you can buy kuya bubuys paintings na naka display! sooooh talented tlaga ang lolo ninyo! malapit na ang finals ng mano-mano! sa saturday na sa the arena sa san juan! free entrance siya but you have to have tickets na maukukuha niyo naman sa audience entrance ng channel 2 on wednesday between 1 to 5 pm! sina rico robles of pbb celebrity season1 ang maglalaban opposite or jordan herrera! good luck guys! sana kung sino man manalo sa inyo pasakayin naman ako sa chikot niyo! =) at pabalato naman from the 500 thousand pesos na reward! imagine mo.. nagpa suntok ka lang may 500 thousand ka na pag ikaw nanalo! may kotse pa!! kaloka! =)
maikuwento rin sa kin ni kuya bubuy na si mareng shine eh simple lang ang hinihingi this christmas.. isang bonggang bonggang concealer na galing ng japan! kaya sabi ko kay kuya bubuy.. samahan na niya ng isa box ng lip-stick.. na galing din ng japan! hahaha!! pero itong si kuya bubuy ha? ang gustong gift ngayong pasko from mareng shine eh baby boy!! kasi ala pa silang boy na anak davah? pero mukha nga daw imposible this or next year dahil nagfafamily planning ang lolo't lola niyo!! oh well i hope its soon na diba?
while i was on board.. binisita ako ni elise at ni crystal na anak ni doc vicky belo! they will be giving me a bonggang bonggang regalo daw on my bday! wow!! i cant wait!! extra boobs ba ito? hahaha! shucks parang ang panget no?? if you have three boobs! hahahaha! =) hmmm ano kaya ang gift na yun? =)
bukas sa presscon naman ni mr. pure energy ang go ko!! kaya kukwentuhan ko din kayo pero for now.. sleep na tayo! good night mga natixxx! mwah! =)
eto ang pic namin ni kuya bubuy! i just love making nguso and pretending to kiss the stars!! and mind you.. they love it too! say nga ni kuya bubuy.. sana sinabi mo na naka umang na yang nguso mo nang binigyan din kita ng cinematic kiss! para may kilig factor!! reply ko naman.. naku ha? wala akong balak na majombag ni mareng shine ha?? haha! =)
Mas Christmas sa ABS-CBN
December 10, 2007kamusta?? wala na kong boses! paos na paos na ko! good luck talaga sa boses ko! penge nga ng salalalalalalabat dyan!! =)
kanina galing ako sa isang mallshow marathon!! daming abs artists ang nagpunta sa mas christmas sa abs-cbn sa trinoma! wow!! jampacked na jampacked!! si miss minchin sheryl cruz!, roxanne guinoo, iya villania, mickey and saicy, jon james, jay-r siaboc, irish fullerton, yeng constantino, maja salvador, charlene san pedro and the cast of princess sarah ang munting prinsesa, makisig morales, jairus aquino, katherene bernardo, kc aboloc, raph slazar, joshua cadelina pati si kokey!! hinihingal ako kata-type ah!! haha! masaya naman, 1:30 kami nagstart natapos kami ng almost six pm pagkatapos nun naglibot libot kami sa trinoma and its nice to hear kapag may mga taong naa-aprreciate ang ginagawa mo mapa radyo man or tv! ginagaya pa nga nila ang aking sayaw sa games uplate live! =) haha! sa lahat ng nagmamahal sa 'kin thanks ha? di ko man ma-isa isa ang mga pangalan niyo… love ko rin kayo kaya nga kahit gaga-gaga ako sa radyo at tv.. that is my way of saying thankyou dahil alam kong natutuwa kayo sa kalokohan ko! =)
at kahit na paos na ko.. tuloy pa rin ang programa mamaya 9am ha? sunday bigtime pinoy! at pagkatapos raketship ako sa pampangga.. robinson san fernando 4pm with matt, melissa, sarah geronimo at ronnie liang!! see you see you! oh baka may o-order sa inyo ng parol sabihin niyo lang ha? haha! =) gooooood nyt!!!
harruh josko!! enjoy the pictures! =) eto nga kasamah kho si jhimboy or si rhap salazar ng kokey!
at eto naman ang wacky pic namin ni mareng maja kaloka diba? ok na siya.. trying to be happy kahit wala ang daddy niya.. sabi niya kasi alam nilang magkakapatid na ayaw ng daddy nilang sad sila kaya tinaggap na lang nila ng maluwang sa kanilang kalooban ang pagkawala ng dad niya. kaya eto.. gaga-gaga kaming dalawa sa pic na to! close talaga kami ni maja… parehas kasi kaming kikay! mas maganda nga lang siya ng di hamak sa kin! =)
eto ang munting prinsesa na si charlene san pedro or si princess sarah! at ako naman ang yaya niya for today!! haha! =)
kakatamad naman ang panahon…. hay!!
December 6, 2007hellower!! kamusta na po mga natixxx? marami na ang lumalapzzz ( lumalafffang ) habang ginagawa ko ang entry ko na ito. im sherrr!! ( sure )
kwento kwento lang ako dito habang baliw baliwan ako sa mga words ko okey? wala pa kong two hours na naka upo sa harap ng computer.. sinagot ko mga ktext subscribers ko at nag update ng ktext ko ng biglang may nag offer sa kin ng raket!! saloob loob ko lang.. ayosss! pambili ng materials ko sa mga gagawin kong borownies itech!! magrewind tayo… kahapon after my boardwork.. i saw luis manzano.. chika chika ng konti sabay sabi ko.. hey luis.. can u help me with my ktext?? sabay tawa ang lolo mo.. sabi niya ng pabiro..ikaw ha?? manggagamit ka ha?? pero sherrr!! picture, picture kami kaya lang blurred eh nagmamadali ako, nagmamadali din siya kaya we both let go of each other na!! tapos nun nag gym ako para naman kahit malamig panahon eh natatagtag ang mga taba ko!! after gym si mareng valerie naman ang nakita ko sa elj building ng abs.. siyempre ayaw ko na magpa picture kasi naman ampanget na ng itsura ko from working out noh!! ang lola valerie niyo.. gusto pa bumeso sabi ko "no na.. im baho na!!" ( nakks.. sosyalan itooooh! ) konting chikahan lang tapos umalis na rin ako.. nagpa masahe ang lola niyo.. nilubos ko na ang isang araw na maaga ako natapos sa boardwork ko!! after ng spa…. zzzzzzzzzzzzzzzzzzzz ako til 7am at nagshowbiz ako for sir ted… sabi ng katawan ko.. tulog pa tayo!! kaya after umagang kay ganda… zzzzzzzzz na naman ako til 10:15 am… nagreport na ko ng showbiz ko for dzmm alas dose at umupo na nga sa harap ng computer habang tuldok system akong nagta-type may nagtext sa kin ng raketship.. alam niyo naman ako.. basta hindi naghuhubad at the price is reasonable… go lng ako ng go! pambili rin to ng mga materials ko sa brownies na balak kong ipang regalo sa mga kaibbigan ko!! habang sinesend ko ang first ktext entry ko.. nagring na ang celphone ko.. its my sparring partner sa hosting at besbesbespren na si mj felipe of the buzz.. kinunfirm nya kung kami nga ang magkasama at so, sabi ko… "confirmed!!" nagpalitan na rin kami ng chika… chinika ko sa kanya si rayver cruz, shaina magdayao, at dianne medina love triangle?? knowings niyo ba na hindi naman talaga si dianne ang dahilan ng pagstop ni rayver sa panliligaw kay mareng shaina? hidi mag on si reyver at dianne according to my bonggang bonggang source dahil ag ka on ni mareng dainne ngayon ay si………. uuuy inaantay!! close kay rayver ang boylet na to.. yun lang ang masasabi ko!! siyempre siya rin chumika about manay lolit, sam and piolo. ( read niyo ktext ko para malaman niyo kung anu yun!! hahaha! ) pagkatapos nun tinext ko na agad ang chika na yun sa ktext ko!!
imagine sa loob ng less than two hours naging makulay agad ang mundo ko?? dami nang aksyon ni hindi pa ko nakakamumuog! hahaha! anu ba yan? makaluto na ng lafffang ko! oh kayo din kain na ha?? maya kwento ako ulet!!
Ka-Text si Bespren Laila
Para makatanggap ng latest na chikka from the Chikkadora herself, i-text mo na siya! Bonggang-Bongga ang chikkahan ever dahil ang Lolah Laila ninyo mismo ang magrereply sa inyo.. kaya ano pang hinihintay ninyo mga bespren… Message sent na!
Text in:
DJLAILA ON
and send to 2366
Update
December 5, 2007Good morning! Kamusta na natixxx? Aga ko nagising kasi papa check up ko mommy ko sa ospital. Mamaya din imbis na alas 5 ako ng hapon pang 1pm to 5pm ako. Kaya sana karinigan po tayo. sa sbado nga pala nasa trinoma mall ako 1pm, kasama ko sari saring abs stars! tara mag maagang pasko tyo! Sa sun naman nasa robinson san fernando ako 3pm kasama ko asap stars! Kitakita po tyo!
weekend =)
December 4, 2007hello mga natixxx! kamusta naman po? grabe etong linggong nagdaan para kong buntios na laging gusto matulog kasi nga nag uplate ako ng ilang araw.. but like what i always say.. puyat pero masayang masaya!! noong saturday natulog lang ako ng ilang oras at gumising ng mga alas syete dahil pumunta ako sa h3 or yung hataw hanep ng hero tv sa smx convention center in mall of asia. nakakatuwa at aliw na aliw talaga ang lola ninyo.. nanariwa ang kabataan ko kasi naman nakita ko ang mga lifesize figures nina optimus prime, voltes five complete with jaime, lil john , big bert, mark and steve! andun din si astroboy, naruto, gundam seed, ragnarok at ang favorite na favorite kong si…. mirmo, mirmo mirmo de pon!! sobrang happy ko talaga nalimot ko pa ngang putyat ako kasi sobrang taas talaga ng energy level ko!! madaming activies like cheerleading competition, mga quizbees, anime singing contest at may cosplay pa or yung anime costume contest nila!! ang gaganda ng mga costume!! varrying from ragnarok to sakura card captor meron din nagbihis as transformers pati nga si chuckie ng child's play andun!! kaloka!! ang ganda talaga… sana nakapunta kayo kung hindi man… there's always next year!! nung linggo naman natulog lang ako maghapon!! pambawi sa mga pagpupuyat ko =) at kahapon monday nagteam building kami sa antipolo! i was with my besprens… ric, billie, china, reggie and macy! may mga taga abs interactive din kami na kasama!! enjoy naman at marami kaming natutunan tungkol sa abs-cbn =) may mga activities din kami at isa na nga dito etong malaking logo ng abs-cbn na ito.. naka harap yang logo na yan sa sahig at kailangan namin na baligtarin using only our foot kaya nung kinarir ko.. super dumi ng aking paa!! para kong naglakad sa kalsada ng plaza miranda na nakayapak. =)
nung gabi naman kinarir ko na ang dentista ko dahil ilang buwan na rin niya kong niru-root canal!! paano ba naman busy ako kaya ayun tumagal ng ilang buwan august ata kami nagsimula.. dumaan na lang ang ilang bagyo, nagbreak na sina shin at christian, nagconcert na kami ni pooh at peachy, nagconcert na din sina erik santos at piolo pascual sa araneta ako eto,, di pa din tapos ang root canal!! may isa pa kong session with my dentist. =) kaya kayo mga bespren kong natixxx… take care of your ipen.. hindi biro ang root canal!! masakit na sa ipen masakit pa sa bulsa kaya mas maigi na yung gumastos ka ng sandamukal sa toothpaste at dental floss kesa naman sa mauwi pa sa root canal ang ipen mo. ayaw ko naman ng bunot kasi parang nababawasan ang pagkatao ko dahil i feel that a part of me is missing… wierd noh? but that is how i feel talaga =) ngayon naman tuesday.. i really dont feel good.. bahala na si batman kung makakapsok mamaya!! kung di ako makapasok.. wag kayo tampo ha??
weekend =)
hello mga natixxx! kamusta naman po? grabe etong linggong nagdaan para kong buntios na laging gusto matulog kasi nga nag uplate ako ng ilang araw.. but like what i always say.. puyat pero masayang masaya!! noong saturday natulog lang ako ng ilang oras at gumising ng mga alas syete dahil pumunta ako sa h3 or yung hataw hanep ng hero tv sa smx convention center in mall of asia. nakakatuwa at aliw na aliw talaga ang lola ninyo.. nanariwa ang kabataan ko kasi naman nakita ko ang mga lifesize figures nina optimus prime, voltes five complete with jaime, lil john , big bert, mark and steve! andun din si astroboy, naruto, gundam seed, ragnarok at ang favorite na favorite kong si…. mirmo, mirmo mirmo de pon!! sobrang happy ko talaga nalimot ko pa ngang putyat ako kasi sobrang taas talaga ng energy level ko!! madaming activies like cheerleading competition, mga quizbees, anime singing contest at may cosplay pa or yung anime costume contest nila!! ang gaganda ng mga costume!! varrying from ragnarok to sakura card captor meron din nagbihis as transformers pati nga si chuckie ng child's play andun!! kaloka!! ang ganda talaga… sana nakapunta kayo kung hindi man… there's always next year!! nung linggo naman natulog lang ako maghapon!! pambawi sa mga pagpupuyat ko =) at kahapon monday nagteam building kami sa antipolo! i was with my besprens… ric, billie, china, reggie and macy! may mga taga abs interactive din kami na kasama!! enjoy naman at marami kaming natutunan tungkol sa abs-cbn =) may mga activities din kami at isa na nga dito etong malaking logo ng abs-cbn na ito.. naka harap yang logo na yan sa sahig at kailangan namin na baligtarin using only our foot kaya nung kinarir ko.. super dumi ng aking paa!! para kong naglakad sa kalsada ng plaza miranda na nakayapak. =)
nung gabi naman kinarir ko na ang dentista ko dahil ilang buwan na rin niya kong niru-root canal!! paano ba naman busy ako kaya ayun tumagal ng ilang buwan august ata kami nagsimula.. dumaan na lang ang ilang bagyo, nagbreak na sina shin at christian, nagconcert na kami ni pooh at peachy, nagconcert na din sina erik santos at piolo pascual sa araneta ako eto,, di pa din tapos ang root canal!! may isa pa kong session with my dentist. =) kaya kayo mga bespren kong natixxx… take care of your ipen.. hindi biro ang root canal!! masakit na sa ipen masakit pa sa bulsa kaya mas maigi na yung gumastos ka ng sandamukal sa toothpaste at dental floss kesa naman sa mauwi pa sa root canal ang ipen mo. ayaw ko naman ng bunot kasi parang nababawasan ang pagkatao ko dahil i feel that a part of me is missing… wierd noh? but that is how i feel talaga =) ngayon naman tuesday.. i really dont feel good.. bahala na si batman kung makakapsok mamaya!! kung di ako makapasok.. wag kayo tampo ha??



















