Home » Archives » January 2008
LOLA NA KO!
January 30, 2008HEY, HEY! Busy Busyhan ang lola niyo lately! Lola na kasi ako eh! As in..Yung stray cat ko nanganak kaya Lola na ko! Hahaha! O Baka may gusto sa inyo maging ninang at ninong dyan! =) KAKALOKA… Buti pa ang ibang hayop noh? No need to go to the hospital para manganak. Tong pusa kong sampid sa kahon lang ng bonggang bonggang oven na binigay ko sa Mommy ko noong nakaraang Pasko nanaganak solve na eh! =) She has three cute kittens and I paln to name of them MACHO, yung isa baka PAO for SIOPAO at yung isa I’m sitll thingking. Any suggestion? =) Oh ayan ang picture ng mga ngiyaw ngiyaw at pics namin mo Ronnie, Mickey and Saicy noong nagshow kami sa Glorieta nung Sunday =)
ETO ANG PUSA KONG SI COW! ANG WIERD NG NAME NOH? HAHA! PARA ISIPIN NIYA NA BAKA SIYA AT DI PUSA! BAKA SAKALING "MOO" LUMABAS SA BIBIG NIYA IMBIS NA MEOW! HAHAHA! PASENSYA NA KAYO MAHILIG LANG TALAGA KO SA PUSA KAHIT PA HIKAIN AKO LALALALALALALA LOVE KO TALAGA ANG MGA PUSA!

PARANG KAGIGISING LANG NAMIN PAREHO NI RONNIE =) AY MALI PARANG SIYA KAGIGSING LANG AKO NAMAN PARANG LINTA LANG =)
ALL SMILES SI MICKEY! SIYA PA NAGTANONG SA KIN KUNG PAGOD NA KO SAMANTALANG KAPAPANOOD KO LANG SA KANYA SA ASAP =)
model-modelan!
January 27, 2008hey there! its’a sunday! sana nakapagsimba na kayo. ako as usual sa tv nagsimba pero wala si father mario sobrejuanite ( one of my fave priest dahil magaling masermon sa studio 23.. 9am mass ) dahil may sakit daw ang kapatid niya. sana gumaling agad at it didnt stop me rin naman to hear mass.
kahapon i was on board for rnold rei dahil may nilakad siya. ngayon, eto at nakaboard pa din =) bisita ni jack si chad peralta kahapon at syempre dahil lagi kami magkasama noon sa pda.. kwentuhan gaolore pa rin kami to the highest level! = ) ayun nagtrip tuloy kami… kamusta naman ang picture namin?! pasado na bang model? .. nagpabango pa kami niyan ha? hahaha! joke! sabi niya he’s been attending workshops para mas bongga ang level niya sa acting =)
later on today i’ll be with bespren jack melo sa glorietta kasama na rin ang iba pang mga bonggang bonggang artista ng abs-cbn para sa aming caravan! hope to see you all there!
i soooooh love this shirt na suot ko! it says… make beef taco not war! =) oh diba? imbis na mag away away tayong lahat eh gumawa na lang tayo ng taco at kainin natin ito ng bonggang bongga! =)
enjoy na natin ang araw na ito kasi naman… bukas balik school, trabaho, at busy na naman ang mga level natin =) enjoy the rest of the day! =)
update =) … ulet!
January 26, 2008halu! dko na post ng maayos ang mga pics yesterday kaya eto po.. enjoy!
that’s my mom in the middle and sa far right si tita nilda, friend ng mom ko! sa next pic naman super haba ng pila talaga kaya nagpacute na lang ako sa picture para matnaggal ang pagkabato ko! =)
eto naman ang pic namin ni jobert sucaldito. kaming dalawa ang naghost ng one gr8 january 28 in 2008! nakita ko rin si voctor basa at si mareng bianca gonzales dun sa studio one. victor is doing a segment for asap while si mareng bianca naman is hosting for cinema one =) yung susunod na picture naman is with Maam Cory Vidanes ang senior vice president for entertainment. i was totally speechless when she told me na she always listens to my showbiz chikas at finally she saw me in person. at that point… parang ayaw tumigil ng tenga ko from clapping di ko alam kung ano nararamdaman ko.. nerbyos, kaba, falttered.. parang gusto kong mahimatay at buti nalang nasagot ko pa rin siya kahit papano ng it is my pleasure maam to see you in person as well. tapos niyakap niya ko… parang gusto ko nga siyang biruin eh… maam.. penge po ng tv show! hahahaha! kaya lang ayaw lumabas sa bibig ko.. parang bigla talagang natigilan ang dila ko. umurong eh.
keeping you updated =)
January 25, 2008Weekend na naman!! Saan ba ang gimmick niyo ngayon? ako.. bahay lang siguro. May pasok kasi ako bukas imbis na day off ko dahil umabsent na ko nung Wednesday when we went to St. Jude Church to see Father Fernando Suarez! Grabe ang dami ng tao ha? 7:30 am pa lang andun na kami pero ang pila super haba na! tinyaga ko talaga ang pila dahil gustong gusto ng mommy ko na Makita si Fr. Fernando. Grabe parang artista si Fr. Fernando ha? ang tilian ng mga tao parang tinitilian sina sam at piolo! May mga maririnig ka.. Father dito, Father dito… may mga nakita naman ako na pumasok nang naka wheelchair pero paglabas nila ng simbahan sila na ang nagtutulak ng mga wheelchair nila. May himala pa rin talaga kahit moderno na ang panahon natin ngayon. I am hoping na maging ok na ang mom ko.
Kanina naman naghost ako ng presscon ng one gr8 january 28 in 2008! Ito ang kick off ng 55th anniversary ng abs-cbn tatalong teleserye na bonggang bongga ninyong mapapanood sa loob ng isang araw! Tarrrrray diba? Kaya uwi aga on Monday ha? kaloka pa si Mareng Angel nang tinanong kung sino ang mas masarap humalik.. kung si Piolo ba o si Richard Gutierez eh syempre on the safe side naman siya kaya sabi nalang niya.. “naku wag nap o nating sukatin kung sino ang mas masarap humalik ang mahalaga po eh nahalikan ko sila pareho!” oh diba? Kaloka!
At dahil mga celebs na rin lang ang pinag uusapan natin… happy birthday sa aking most loved na si Dra. Vicky Belo! More blessings, happiness, good health and stay beautiful!
let it snow, let it snow, let it snow!
January 21, 2008Hello, hello! Kamusta naman? Ako eto.. bago matulog eh mag u-update muna ng blog ko! =) para naman may mabasa rin kayo before you sleep! Kanina katext ko si charice pempengco! You know the child wonder ng lil big star na ininvite ni ellen de generes sa show niya sa states? =) she said na nakabalik na nga daw siya form new york at happyng happy siya unang una dahil nakita niya ang statue of liberty, rockafeller center, times square at ang ground zero ng world trade center. Buti pa siya.. ako sa picture lang! =) At second dahil nakahawak na siya for the very first time ng snow! Naalala ko tuloy yung snow experience ko sa
Ok back to topic… kinuwentuhan ako ni charice na babalik pa daw siya ulet dun sa early February pero I cant tell you guys why at baka naman magtampo sa akin ang bata! Basta abangan niyo na lang at ia-announce din naman niya kung bakit siya babalik dun! I remember telling her before na hangang-hanga ako sa kanya pati nga si sam milby galling na galling sa kanya kumanta! At sabi ko sa kanya na someday she will make it big at eto na nga nagkakatotoo na!
text tayo!
January 19, 2008Textmates tayo ha? =) type…
djlaila on
SEND TO 2366 FOR PHILIPPINE BASED TEXTERS
OR 23661
FOR TFC SUBSCRIBERS!
hope to hear from you soon! =)
meow!
halu! greetings comming form me and my mau-mau! =)
ay nga pala.. please watch games uplate live mamaya sa channel 2! wala ang lola jaymee niyo kaya ako muna papalit sa byuti niya! =)
at dahil nagising ako ng maaga kaninang umaga.. pinakain ko ang pusa kong si alfred. he’s a siamese cat about two years old! moody and camera shy ang level niya and i call him mau for short! yun ang nickname niya! actually he’s nowhere to be found kaya nag alala ako baka naka-kawala! ( sa loob kc siya ng bahay lang.. never been to the outside world ang drama niya! ) infairness i found him naman under the sofa at pinagtataguan na naman ako ng mokong! ( told you he’s moody ) hay naku.. kung di lang siya cute at mataba… siguro asado na siya ngayon! hahaha joke! =) wala lang naishare ko lang sa inyo ang kwento ng pusa kong loko-loko!
at eto nga habang ginagawa ko ang blog ko na ito.. napa away pa ko dahil sa pusa na ito! nilagay ko din kasi this same pic on my ktext at sinabi kong i just said hello to my cat dahil ilang araw ko na siyang dinededma and then i let it go kasi nga ayaw ko na hikain ako lalo. may texter ba naman na nagsabi na … "f u dont want asthma attak stay away frm
im alive!
January 17, 2008hey hey! magaling na ko! … ata! haha! im sorry kung medyo natagalan i was busy last week dahil wala kaming kasambahay at nagpupuyat ang lola niyo kaiipon ng tubig dahil more than a week kami na mawawaln ng tubig! .. hence due to pagpupuyat eh humina ang aking resistensya at bonggang bonggang nagkasakit ang lola ninyo! di ako nakapasok noong tuesday and just decided na kailangan ko talaga tong ihiga! =) i tried going to work kahapon pero di ko pa rin pala kaya! kaya lang nagkasubuan na eh! tapos nakauwi ako kanina alas tres na ng madaling araw dahil nagpunta pa kami sa ocyahan ng olivarez college! nahihiya naman akong di puntahan yun dahil matagal ko na silang ino-ohan! =) here are some pictures that di ko na post while i was busy ang sick =)
eto ang itsura ng mata kapag bangag sa "prescribed drugs" ang cute noh? ang liit at very tantalizing! =) haha!
isang beauty queen at isang byuti-ki! ang ganda ng eyes ni mareng riza noh? para siyang pusa. very seductive ang mata niya! parang sa tingin pa lang naakit na niya ang mga boys davah?
at kamusta naman ang pagpose naming dalawa? hay.. kinulang lang talaga ko sa height! kung siguro sagana ako sa katangkadan eh kinarir ko na din ang pumagent! tuloy miss earth-worm lang ang kaya kong salihan!
ang celebrity bigfour of pbbce2! from left to right papa will, mareng riza, papa riben na bonggang bongga! at si mareng gaby! gisadong giosado si will that day sa presscon dahil di siya tinantanan ng mga sex video questions! grabe.. parang umamin nga siyang di ko maintindihan! sumakit ulo ko sa sagot niya! =) si mareng gabby naman was being linked kay derek ramsey, onemig bondoc at diether ocampo!.. haba ng hair! =)
at to naman ang pic namin ni kian of callalilly! sa mga fans niya.. wawa naman ang lolo niyo.. he injured his left leg dahil sa basketball pero ok na daw naman siya kina-kaya naman niya! as for the danita paner issue… oh well… di pa din daw ata siya umuuwi! =)
Nagiging bespren ko na ang treadmill
January 10, 2008hallaaaaah! ( hellow yun na exag! hahaha! ) kamusta na? friday pa last blog entry ko kasi naman eh naging busy ako nung weekend sa pag iipon ng tubig dahil mawawlan daw kami ng tubig for one whole week! kinarir ko na ang paglalaba, pagdilig ng halaman at ang pag iipon ng tubig sa amin! napuno ko na ang mga timba, batya, drum, kaldero pati aquaruim! =) ngayon naman nasa puyat mode ako dahil madaling araw lang ang dating ng tubig sa min! good luck sa kin! =)
lately ina araw araw ko na rin ang pag gy gym para d naman kayo madissapoint pag nakita niyo ko sa sharon. ayun.. nagiging bespren ko na ang treadmill at galit na galit ako kapag tumatakbo dun! pero ang sarap talaga ng feeling kapag nararamdaman mo ang tagktak ng pawis mo! parang achievement ko yun dahil alam kong i burned some calories sa isang araw! =) before ako nagpunta sa gym nakita ko si mareng billet at si jm. theyre both form dream big productions na may hawak ng pbb at pda. nakipagchikahan ako sa kanila di ko tuloy na notice na kasama nila si ruben! sabi ko bet ko siya at kinongratulate ko sya! he deserves it! ( that is my personal opinion po ha? ) may i picture na rin ako sa kanya syempre at pasensya na po sa nalilimahid kong itsura dahil di pa ko naliligo sa pic na yan! going to the gym eh davah? =)
kanina sa programa namin ni bespren ricrider.. napag usapan ang crush na mag prof at teachers.. naalala ko tuloy ang crush kong prof noong highschool ako! haha! ambango kasi niya eh! =)
Thanks Dra. Vicky Belo, Thanks Belo medical Group!!!
January 5, 2008halu halu halu! dito ako sa booth ngayon while doing this entry! kagagaling ko lang kanina sa presscon ng patayin sa sindak si barbara! they let us watch the first two episodes and im not telling you guys this dahil isa akong kapamilya kundi dahil maganda talaga! kung wala rin lang naman kayong sakit sa puso at mahilig kayo sa suspense dapat siyang panoorin! umpisa pa lang ng storya ang tarrray na! mabilis ang takbo ng storya and mind you.. three weeks lang ang duration nito sa tv kaya samantalahin niyo na!
nagpa-picture na rin ako ng bonggang bonggang kay baby james! ang laki na na nyo? eight months na siya!
as for mareng teta.. she made chika na wala silang regalo para sa isat-isa ni papa james dahil nga ginastos na nila at itinodo sa kanilang bagong bonggang bahay!
before the presscon binisita ko si doc vicky belo sa clinic niya. binigyan ko siya ng gift at siya rin binigyan ako ng bonggang bonggang gift! sinimulan na ng belo clinic ang birthday gift nila sa kin! jinet peel nila ang kili-kili ko! hahaha! para mas maputi at mas flawless! para kili-kili palang pamatay na! hindi dahil sa putok ha? pamatay dahil masisilaw kayo sa puti! pinower peel din nila ang mukha ko kasi nga say ni elise, ang bonggang bonggang assistant ni doc vicky eh lalabas ako sa sharon kaya dapat fresh at maganda ang itsura ko! gosh! mahal talaga nila ko! doc vicky i love you talaga ng bonggang bongga!
irewind na rin natin yesterday… have you ever experienced riding on the mrt tapos literally para ka nang si garfield na nakadikit ang face niyo sa window o glass door? ganung ganun ako kahapon! and whats worse was.. may hair got stuck sa pintuan from boni avenue hanggang sa buendia since yung pintuan sa right side kapag pa southbound ka only opens at shaw, boni, buendia and pasay taft! kaloka diba? naisip ko naman hmmm magandang ipost ito sa blog at ktetx ko kaya kahit mukha akong shungaxxx eh picture, picture na rin!
ito naman iba pang mga pics from kapamilya christmas caravan noong december 16! katabi ko si wenday at si mareng regine na bonggang winner naman sa be bench model search! kasama sila sa palos! nood kayo ha? post ko iba pang pics soon! =) happy weekend natixxxx!
ano gawa mo?
January 2, 2008happy new year! sana naging mapayapa ang pagsalubong niyo ng bagong taon at sana nag-polka dots kayo sabay talon! pero kung nagdamit kayo na puros rectangle….. sana di kayo tumalon dahil baka tumalbog ang mga cheke na papasok sa inyo this year! hehehe! joke! ano ba yan? second day palang ng enero ang corny corny ko na! what kept me from updating you? una noong bagong taon naging busy akong lumafang at alam niyo naman work as usual kami sa station kaya medyo naging busy kahapon pero ngayon eto na ulet ang beauty ko! sumakit ang ulo kaninang hapon.. siguro dahil sininghot ko na naman ang mag alikabok! =) i cleaned my cabinet around lunch time bago ko pumasok sa opisina at ang daming papel kong nakuha na wala nang silbi! ayun nasa kiluhan na nang mapakinabangan naman! totoo pala yun mga bespren kong natixxx na you can really turn trash into cash noh? so if i were you kung madaming papel sa bahay niyo o dyaryo at there's no use for it.. dalhin niyo sa junkshop and youll be amazed kung magkano ang ibabayad nila sa inyo! lalo na pag white ang papel! pero teka… bakit nga ba walang junkfood sa junkshop! wehe! ang corny ko talaga.. namumuro na ba ko? hahahahaha! =)
kahapon i was talking to mareng nicole eayala ng love radio. alam niyo ang stations lang naman namin ang competing pero ok naman kami as friends.. no friction or whatsoever sa amin. hindi ko nga alam kung saan nanggaling ang isyu na hindi kami ok dahil as far as i remember.. wala talaga kaming pinag awayan =) dapat kasi mag gue-guest din siya sa sharon kaya lang eh may previous engagement na siyang nao-ohan kaya di siya matutuloy sa pag guest. sayanag nga eh… sabi ko pa naman sa kanya chance na namin yun na magkasama sa tv. hay.. baka mabigyan pa kami ng tv show together! imagine niyo kung gaano kabarubal yun! im sure riot sya ng bonggang bongga! =) hahaha! kulitan to the max yun im sure at puros tawa ang mangyayari! nakakaloka!
eto nga habang tinatype ko itong entry ko na ito… nagtext sa kin si mareng lorie of abs-cbn corporate may presscon daw for lobo sa january nine! noted na sa calendar ko yan at sa friday naman booked na rin ako for a presscon para naman sa patayin sa sindak si barbara 12nn yun! =) hmmm busy busy busy!
bago ako pupunta ng presscon on friday bibisitahin ko muna si doc vicky belo at si mareng cristalle belo-henares at si mareng elise sa belo clinic in morato! excited na ang lola niyo!!! eto na yung bonggang bonggang gift na bibigay nila sa kin! will make kwento soon! for now.. keep on guessing kung ano ang gagawin nila sa kin! =) im so happy to be a part of the belo family. i trust doc vicky belo talaga when it comes to beauty! mahal talaga nila ako kaya naman binabalik ko ang love na binibigay nila sa kin! =) only belo touches my skin talaga.. i hope you let her touch yours too! =)
at bago pa ko magdrama dito.. gugudnyt ko na kayo ng bonggang bongga at baka super sentimyento na ang mangyari sa kin! haha! sleep well natixxx and god bless us! =)























