Home » Post Item » ano gawa mo?
ano gawa mo?
January 2, 2008happy new year! sana naging mapayapa ang pagsalubong niyo ng bagong taon at sana nag-polka dots kayo sabay talon! pero kung nagdamit kayo na puros rectangle….. sana di kayo tumalon dahil baka tumalbog ang mga cheke na papasok sa inyo this year! hehehe! joke! ano ba yan? second day palang ng enero ang corny corny ko na! what kept me from updating you? una noong bagong taon naging busy akong lumafang at alam niyo naman work as usual kami sa station kaya medyo naging busy kahapon pero ngayon eto na ulet ang beauty ko! sumakit ang ulo kaninang hapon.. siguro dahil sininghot ko na naman ang mag alikabok! =) i cleaned my cabinet around lunch time bago ko pumasok sa opisina at ang daming papel kong nakuha na wala nang silbi! ayun nasa kiluhan na nang mapakinabangan naman! totoo pala yun mga bespren kong natixxx na you can really turn trash into cash noh? so if i were you kung madaming papel sa bahay niyo o dyaryo at there's no use for it.. dalhin niyo sa junkshop and youll be amazed kung magkano ang ibabayad nila sa inyo! lalo na pag white ang papel! pero teka… bakit nga ba walang junkfood sa junkshop! wehe! ang corny ko talaga.. namumuro na ba ko? hahahahaha! =)
kahapon i was talking to mareng nicole eayala ng love radio. alam niyo ang stations lang naman namin ang competing pero ok naman kami as friends.. no friction or whatsoever sa amin. hindi ko nga alam kung saan nanggaling ang isyu na hindi kami ok dahil as far as i remember.. wala talaga kaming pinag awayan =) dapat kasi mag gue-guest din siya sa sharon kaya lang eh may previous engagement na siyang nao-ohan kaya di siya matutuloy sa pag guest. sayanag nga eh… sabi ko pa naman sa kanya chance na namin yun na magkasama sa tv. hay.. baka mabigyan pa kami ng tv show together! imagine niyo kung gaano kabarubal yun! im sure riot sya ng bonggang bongga! =) hahaha! kulitan to the max yun im sure at puros tawa ang mangyayari! nakakaloka!
eto nga habang tinatype ko itong entry ko na ito… nagtext sa kin si mareng lorie of abs-cbn corporate may presscon daw for lobo sa january nine! noted na sa calendar ko yan at sa friday naman booked na rin ako for a presscon para naman sa patayin sa sindak si barbara 12nn yun! =) hmmm busy busy busy!
bago ako pupunta ng presscon on friday bibisitahin ko muna si doc vicky belo at si mareng cristalle belo-henares at si mareng elise sa belo clinic in morato! excited na ang lola niyo!!! eto na yung bonggang bonggang gift na bibigay nila sa kin! will make kwento soon! for now.. keep on guessing kung ano ang gagawin nila sa kin! =) im so happy to be a part of the belo family. i trust doc vicky belo talaga when it comes to beauty! mahal talaga nila ako kaya naman binabalik ko ang love na binibigay nila sa kin! =) only belo touches my skin talaga.. i hope you let her touch yours too! =)
at bago pa ko magdrama dito.. gugudnyt ko na kayo ng bonggang bongga at baka super sentimyento na ang mangyari sa kin! haha! sleep well natixxx and god bless us! =)






One easy basis of identifying an hermes comes with the price of the item. In the case of hermes watch
Posted by hermes at July 27, 2010, 2:58 pm