Home » Archives » 05. January 2008
Thanks Dra. Vicky Belo, Thanks Belo medical Group!!!
January 5, 2008halu halu halu! dito ako sa booth ngayon while doing this entry! kagagaling ko lang kanina sa presscon ng patayin sa sindak si barbara! they let us watch the first two episodes and im not telling you guys this dahil isa akong kapamilya kundi dahil maganda talaga! kung wala rin lang naman kayong sakit sa puso at mahilig kayo sa suspense dapat siyang panoorin! umpisa pa lang ng storya ang tarrray na! mabilis ang takbo ng storya and mind you.. three weeks lang ang duration nito sa tv kaya samantalahin niyo na!
nagpa-picture na rin ako ng bonggang bonggang kay baby james! ang laki na na nyo? eight months na siya!
as for mareng teta.. she made chika na wala silang regalo para sa isat-isa ni papa james dahil nga ginastos na nila at itinodo sa kanilang bagong bonggang bahay!
before the presscon binisita ko si doc vicky belo sa clinic niya. binigyan ko siya ng gift at siya rin binigyan ako ng bonggang bonggang gift! sinimulan na ng belo clinic ang birthday gift nila sa kin! jinet peel nila ang kili-kili ko! hahaha! para mas maputi at mas flawless! para kili-kili palang pamatay na! hindi dahil sa putok ha? pamatay dahil masisilaw kayo sa puti! pinower peel din nila ang mukha ko kasi nga say ni elise, ang bonggang bonggang assistant ni doc vicky eh lalabas ako sa sharon kaya dapat fresh at maganda ang itsura ko! gosh! mahal talaga nila ko! doc vicky i love you talaga ng bonggang bongga!
irewind na rin natin yesterday… have you ever experienced riding on the mrt tapos literally para ka nang si garfield na nakadikit ang face niyo sa window o glass door? ganung ganun ako kahapon! and whats worse was.. may hair got stuck sa pintuan from boni avenue hanggang sa buendia since yung pintuan sa right side kapag pa southbound ka only opens at shaw, boni, buendia and pasay taft! kaloka diba? naisip ko naman hmmm magandang ipost ito sa blog at ktetx ko kaya kahit mukha akong shungaxxx eh picture, picture na rin!
ito naman iba pang mga pics from kapamilya christmas caravan noong december 16! katabi ko si wenday at si mareng regine na bonggang winner naman sa be bench model search! kasama sila sa palos! nood kayo ha? post ko iba pang pics soon! =) happy weekend natixxxx!









