Home » Post Item » count your blessings! =)
count your blessings! =)
February 3, 2008hellower natixxx! sorry for the super late update! =) my mom got sick at sinugod namin siya sa ospital noong wednesday night. ok na siya ngayon… salamat po sa mga panalangin ninyo! God bless you po! =)
aside from taking care of my mom… noong day off ko kahapon… i went to alabang market sa bong n oma fruitstand na laging nakikinig sa amin! always malaks ang radyo! bumisita ko dun at kahit na nga di pa ko naliligo eh picture taking galore kami =) nahiya din naman ako kasi parang naistorbo ko ang kanilang pagta-trabaho. binigyan pa nga nila ako ng mangga at oranges na ang tamis-tamis. siyempre sabi ko sa kanila ang bigay nila sa kin ishe-share ko naman sa partner ko sa radyo na si ric rider! =) di naman sa makapal ang mukha noh.. actually kahit na harbatera ako sa radyo… naririnig niyo ko na nanghihingi ng kung anu-ano kung kani-kanino.. yun eh joke lang..sa totoong buhay hindi ako palahinging tao. pag may gusto ako tapos di ko kayang bilihin… tutulo na lang at tutulo ang laway ko hanggang sa finally i give up on that thing na gusto ko o kaya naman eh mapag-iipunan ko talaga siya ng bonggang bongga at bibilihin ko! =) ang ugali ko kasi if i see something na gusto ko.. di ko muna siya bibilihin… i sleep on it at pagka-gising ko the next morning gusto ko pa siya.. i sleep on it again.. pagka isang linggo na and my system still says na gusto ko yung bagay na yun.. pag-iipunan ko siya. pag di talaga kaya ng budget eh di manigas na lang. =) when you hear me asking for things on air.. lambing ko lang yun sa mga listeners namin…. hindi naman po yun required =) kung may nagpapadala talaga.. pinasasalamatan ko naman ng bonggang bongga! minsan nga kahit hindi ako nanghihingi may biyaya pa din tulad na lang ni tita edna of lailyns catering mahal na mahal ako nun madalas may ulam akong uwi for the family dahil sa kanya =) sa mga damit ko naman di na ko namomroblema dahil sagot na ko ng bny. masuwerte rin ako dahil napapaligiran ako ng mga taong mahal na mahal ako! yung pag g-gym ko sa bodyworks libre din yun not because hinarbat ko sila but because sila na rin ang nag-offer. pati na rin si doc vicky belo love na love ako… in fairness alam niyo.. countless ang mga biyaya na natatanggap ko.. =) and i am happy!
alam ko na magkakaiba tayo ng mga biyaya na natatanggap maaring mas bongga yung akin kesa sa inyo but the bottom line is always say thankyou sa lahat ng natatanggap ninyo! =) at dont forget to thank the Lord for the people who have been a blessing to you! God sent these people to become blessings for others like you and me kaya naman also pray to God na sana i-bless pa niya lalo ang mga taong ito para naman hindi lang sila maging blessing sa inyo kundi sa madami pang iba also… pray na sana kayo din ay i-bless niya para maging blessing ka rin sa iba. you dont have to have lots of money to be a blessing to others.. minsan the most simple things that you do to a person is considered a blessing na. oh ano? kinaya niyo ba ang sermon ko? parang hindi na naman ako noh? kaya stop na tayo diyan alam ko naman na you get na the point =) here are some pics from yesterday! meet my family na rin and some pics with doc vicky’s daughter na si mareng crystalle and staff of belo essentials =)
ayan ang picture namin sa bonggang bonggang palengke ng alabang kahapon is alang yan sa marami =) parang nakakatakam yung pakwan sa tabi namin noh? =)
meet my family! from right to left… my mom, jude, niqui, me, the family dog connie and my kuya na kumuha ng picture na to! hehehe =)
ang compressed picture namin ni crystalle, me and kuya edgar! this was taken during the ol 4 love presscon sa metro bar noong january 11 =) i hosted the presscon at dumalaw naman sina crystalle at namigay ng bonggang bonggang belo essentials! she looks like doc vicky diba? ang mantika ko na pala dyan sa pic na yan! =)
kamusta naman ang pose ko dyan? yan ang spoofed version ng only belo touches my skin =) pero kinabog ako ni elise sa kanyang mala cleopatra pose! =) yakkk! handumi pala ng shoes ko! malinis nga mamaya pag dating ng bahay!









