Home » Archives » March 2008
on a coma!
March 30, 2008kamusta naman? grabe, kahapon after my madaling araw boardwork pag uwi ko sa las pinas mga 8am na ko nakatulog! nagising ako ng alas syete ng gabi! super comatose ang lola ninyo! kahapon lang kasi ako nakatulog ng mahaaaaaaaaaaaaaabbbbbbbbbaaaaaaaaaa! kasi nung mga nakakaraang araw kahit na pang madaling araw ako i havent had enough sleep din! siguro number one dahil di naman sanay ang katawan ko na maging call center agent! number two kailangan kong mag report ng lalalalala-live kay sir ted failon ng 7:20am, at pangatlo uma-attend pa din ako ng mga presscon sa tanghali at hapon! =) kaya kahapon… nagbonding kami ng kutchon ko! kala ko nga di na ko aantukin ulet eh. pero wag ka.. maloka ka dahil alas onse pa lang ng gabi tulog na ko ulet at ang gising ko alas syete na ulet ng umaga kanina! grabe… sobrang comatose ako talaga kahapon di niyo ko mapapakinabangan! pag gisng ko nga 21 messages recieved na ko! at ngayon ko lang silang lahat nireply! =) hahahahaha! o ngayon gising na ko! kulitan na tyo ulet at special ang sunday bigtime pinoy ko ngayon dahil si apol de ap of black eyed peas nainterview ko at si jay-r siaboc! kaya sana nakiki-alalalalalalalam mo na yan kayo! =)
a rather looooooong day!
March 26, 2008good morning! gising ka pa ba sa oras na to? mag a-alas four am na and i am on board while doing this entry! wala si jack kaya isang buong linggo akong pang madaling araw! kamusta naman ang mga powers niyo? ako i had a loooooong day kahapon! after my boardwork yesterday madaling araw, parang installment ang tulog ko! nagising ako ulet ng alas syete dahil live ang showbiz report ko kay sir ted failon sa dzmm! tulog ako ulet after ng report ko, gumising ako ng quarter to one at pagka shower ko nga.. i recieved a text message form nanay cristy fermin. nanlambot ako at nasad sa balita na nagka-miscarriage si kris aquino. kahit na labag sa kalooban ko na ako ang magbibigay ng sad news on air, wala naman akong choice kasi yun ang trabaho ko. tumawag ako sa dzmm at ibinalita ko ang nangyari.
pagkatapos nun go na ko sa abs dahil may scheduled interview ako kay mr allan pineda aka apol de ap! hantarrrrrrray ng powers ko davah? =) nagkulitan kami at natuwa naman siya sa kin… para lang daw akong "pterodactyl" so sabi ko sa kanya! i’ll take that as a compliment! =) mga past two na kami natapos, nung bumibili ako ng lunch ko i bumped into a friend of mine at nasabi nga niya sa kin na may pictorial sina jon avila sa studio ten so dinedma ko muna si lunch at takbo na ko dun para mainterview ko naman siya! di pa ko nakaka-pasok ng booth i saw naman direk toto natividad at nagkachikahan kami! may bago siyang project with abs! tarrray! nakita ko din si funnyman erik! taping daw sila ng wowowee for two weeks ata! teka…balik tayo sa poging pogi na celebrity housemate ni kuya na si jon! omaygad!.. ang gwapo niya huh? mahal ko na ata siya! hahaha!
may teleserye na ang lolo niyo! at bida na rin si jay-r siaboc! kapitan boom by mars ravelo ang project nila at si maja naman ang leading lady ng dalawa! si jay r is the human counterpart ni jon avila na superhero… kapitan boom! pero ito ang super hero na sablay kaya im sure mag eenjoy kayo sa panonood nito! funny! natapos kami ng interview mga five thirty na! kumain lng ako ng quick lunch tapos go ako at ang ep ko na si mike sa 13th floor ng elj bldg dito din sa abs kasi sisislipin namin ang pictorial ni mareng carmen soon! shes a malaysian actress at mape pair siya kay echo sa isang bonggang teleserye! ngayon sila magpipirmahan ng kontrata! two months taping dito at two months taping sa malaysia! bongga diba? yun nga lang di kasama si heart sa teleserye na to. medyo sad rin!
i wen t to shangrila dahil may ka dinner ako then eto… boradwork na naman! kulang pa ko sa tulog pero kerri pa naman ng powers ko ang mangulet! enjoy the pics! =)
medyo malabo! ….halata bang puyat ang lola niyo? =) mas like daw ni apol de ap ang mga asian women over kana! in his words.. i like bebots better! =) sabi nga nila nung nagpose ako ng ganito… naku baka mamaya sabihin na youre the girlfriend! uyyy chismis yan ah! =)
tinganan mo naman tong si maja! kaloka talaga diba? kahit na nagpapa-panget siya maganda pa rin! life is sooo unfair talaga! =) hahaha! kikay na kikay talaga tong bata na toh! pero alam niyo ba na despite her level in showbiz ang paa ng lola niyo still nakasayad sa lupa! bait talaga si maja! =) si jay r din! pogi na mabait pa! =)
aminin!! ang cute namin ni papa jon dito diba? grabe ang amo ng mukha niya. parang little boy santito! bagay sa kanay ang costume niya diba? papasa siyang si superman! =) pogiiiiiiiiiih! =) pati nga yung ibang guys sa loob ng studio sinasabi na ang pogi niya! haaaaaay!! he even kissed me kaya naman lalo akong kinilig! ganda ng mukha ko ngayon noh? belo yan! kahit puyat-puyat blooming pa rin! buti na lang mahal ako ni doc vicky!
i was a bit curious on how it feels like to fit in a superhero’s get-up! kaya eto sinuot ko ang isa pang costume ni jon na hindi pa niya nasu-suot! hahaha! d ata bagay kasi ang LAKI ng brief ko!
HAPPY EASTER
March 23, 2008HAPPY EASTER! naging meaningful ba ang holy week niyo? sana naman kahit papano nagreflect kayo sa passion and death of jesus christ.
today is easter sunday at eto ang muling pagkabuhay ni jesus! importante na magsimba tayo today not because today is a day of obligation kundi ito ang re-enactment kung ano ang nangyari sa kanya more than 2000 years ago! mag-saya tayo mga bespren dahil pagkatapos niyang mamatay para sa ating mga kasalanan ay nabuhay siyang muli.
alam niyo ba noong bata pa ako.. takot na takot ako pagka good friday kasi alam ko na patay si jesus! over bonggang praning ako kasi baka mamaya kung ano ang mangyari. baka lumabas ang mga demons at mga devils tapos kukunin nila lahat ng masasamang tao. tapos maghahari ang kasamaan over good! at a very young age naiisip ko na yun nang walang nagsusulsol sa kin ha? imagine niyo kung gaano ko ini-istress ang sarili ko? grabe dasal ako ng dasal na sana naman wag mangyari yung mga ganung klaseng scenario noong bata pa ako. kaya naman pag easter sunday na tuwang tuwa ako kasi alam kong nabuhay na ulet si jesus!
hanggang ngayon natatakot pa din ako tuwing good friday pero kahit papano di na ko ganun kapraning! dahil may assurance ako na on sunday eh mabubuhay muli si jesus christ at looking forward ako. natutuwa ako sa mga bata na nagsisismba at sa mga mura nilang edad eh uhaw na uhaw sila for gods words… sana lahat ng kids ganun. may mga iba kasi na walang paki, wa care magsimba puros laro, cellphone, computer, at videogames ang alam at nako-cornihan magsimba… grabe.. diba? ako nga hanggang ngayon sa tanda kong to hinahabol ko pa ang pari sa simbahan para lang magbless!
mas nakakalungkot ang ibang umedad na eh ganun pa rin. ( bato-bato sa langit… ang tamaan…, tatamaan talaga sapul pa! ) once i told someone that we should always put jesus in the center of our lives. siya muna bago everything else. magpasalamat tayo sa lahat ng biyaya. pag nagdasal tayo sa kanya gawin nating personal, kausapin natin siya na parang kaibigan para mas intimate ang relationship niyo. pag may matinding nangyari sa buhay natin.. siya lang ang makakapitan natin ng bonggang bongga!
this is me… despite my kulit antics on air and on tv…
despite my cheerfulness and energy.. this is me..
religious at mahal ang diyos…
take it or leave it maniwala man kayo o hindi!
walang plastikan eto talaga ako!
minsan lang to mga bespren kaya pag pasensyahan niyo na ko! =)
HAPPY EASTER AND MAY YOU FIND WHO JESUS REALLY IS IN YOUR LIFE! =)
GOD BLESS! =)
HOLY TUESDAY WITH DOC VICKY!
halu! musta naman kayo? nagpunta ako kay doc vicky kanina! nagpajet peel ako ng kili-kili ko para pag tinaas ko ang eliks ko.. masisilaw kayong lahat! hahaha! =) parang l.e.d sa puti! ahahaha! nagpatanggal din ako ng syringoma ko! ewan ko kung tama ang spelling .. hehe! eto yung parang nasa balat ninyong mga white heads na hindi matanggal tanggal kahit na tirisin niyo. pina-laser ko siya! hay mahal na mahal talaga ko ni doc vicky belo at ng kanyang daughter na si mareng crystal! at thankyou na rin kay dra. red dahil siya ang nag laser ng mga chuva ko sa mukha.
habang nagpipicturan at kulitan nga kami ni mareng valerie at ni mura eh namamaga pa ang mukha ko at sunog sunog ang ibang prtions ng skin ko.. para kong may bulutong at pwede mo i-connect the dots at kala mo may blush on ang mukha ng lola niyo pero ang totoo dahil sa laser yan! nung nagpipicture taking kami nito.. manhid pa mukha ko dahil sa anesthesia kahit sampalin, kurutin at jombagin niyo ko sa face wala akong nararamdaman! haha! pero ilang araw lang naman yun kaya kinarir ko na besides ala naman akong balak na mag out of town at sa bahay lang ako this holy week magninilay-nilay!
sana maging makabuluhan ang holy week ninyo mga bespren!
eto naman iba pa naming pics ni rj sa mga mall shows namin sa sm sta rosa at sm bacoor! galing yan sa website ni rj.. hiniram ko with consent of tuesday revos di ko alam kung ano nasabi ko kay rj jan sa baba at parang tuwang tuwa siya. =)
defending gretchen barretto
March 16, 2008ey! katatapos ko lang gumawa ng showbiz ko. after typing my report naisip kong silipin ang ktext ko. nashock ako…. this person really must hate gretchen barretto! kasama ko kasi siya noong saturday sa sm sta rosa and i shared sa ktext ko na hindi naman pala siya diva-divahan. she’s nice naman pala. may nag-comment na may nakarinig daw sa kin na bumabark habang may i autograph si gretchen sa stage… at nagmamaka-awa ako na bilhin ang cd niya at kung five hundred ang pera nila eh di dalwa na ang bilhin. kasi nga daw eh flop si greta at kung anu-ano pang paninira ang sinasabi sa text. in deffense to miss gretchen barretto kahit na may image siyang diva-divahan sa showbiz.. i found her nice naman pati sa mga fans niya. pati mga naka-wheelchair kinakausap niya. i replied my ktexter.. inaadmit ko na i was asking the people to buy two or even four albums… sa marketing that is what we call suggestive selling. its just like when you go to mcdo tapos all you ordered was mc chicken pero pansinin niyo… susundutin kayo ni kahera ng "would you like some sundae to go with that sir o some fries mam?" ganun lang yun! sa kin naman kahit sino ang kasama kong artist kahit saan ako magpunta ginagawa ko yun kasi ako ang host di ka naman dapat lelembot lembot na just because tapos na trabaho mo sa stage sitting pretty ka na.. after the show bonggang bark ka pa rin to invite peolpe to buy the album. siyempre ayaw ko din naman na walang benta si artist kasi in my part i also feel like a failure. di ko naman sila pinipilit o hinaharass na bumili, parte lang ng tarabaho ko ang mang-enganyo na bumili ang mga tao pero di naman sapilitan! at infairness kay greta that day we sold 68 copies at hindi niya hila yun! taliwas sa sinasabi ni texter na di bumenta ang album kaya ako nagmamaka-awang bumili. nung dumating kami ng sta rosa.. may 30 na agad na benta. i even replied her by saying give her a break…, the woman is trying to change. di ko man siya kilala ng bonggang bongga makikita mo naman sa mga mata ng isang tao kung gusto na niyang magbago at umeeffort naman siya. that day i didint see any ( pardon the word ) bitchiness in her.. in the mood pa nga kumanta ang lola mo eh! and i even saw her making a sign of the cross sa backstage bago kami nagsimula! in this event i would like to borrow melanie marquez’ qoute … do not judge janina…. ( san miguel.. bb pilipinas world 08 ) she is not a book!
funny man mga bespren, pero ang point ko lang is paano mo makikilala ang isang tao kung may bias ka na agad? kung sa itsura pa lang o sa mga hearsay pa lang laglag na siya sa yo? diba pag ume-ebs naman tayong lahat naka-upo? ( pag nakatayo ka na ume-ebs.. gosh.. talented ka! ) do not pass judgement on others.. tandaan niyo…. YOU GET WHAT YOU GIVE…. something to reflect on this holy week! and may all of us have a blessed one too!
sowi!
hello y’all! sorry for the supeeeeeeeer tgaaaaaaal na di pag u-update! was very busy the last few weeks! dami nang nangyari sa buhay ko lately. from sypmosiums, prescons, uplate pinchitting at ang inaalagaan kong amazing tres sa radyo plus mall shows with rj jimnenez and gretchen barretto at pagte-taping =) di pa ako artista.. parang lang! hahaha! secret pa.. hindi ko pa pwedeng sabihin sa inyo kung ano yung taping na yun kasi sa MAY pa siya ipapalabas! grabe narealize ko na hindi pala biro ang ginagawa ng mga artista pag nagte taping. mukhang madali lang pero di pala. i have more respect now sa mga celebrity friends ko. =) as for me… nag enjoy ako! yan ang dahilan kung bakit di ako nakakapag update. kaya sana you forgive me.. and i know you will dahil palm sunday na ngayon! =)
with mareng kim noong presscon two fridays ago! super happy siya noong sinurprise namin siya na siya ang lead role sa pinoy version ng my girl! si gerald anderson ang kalove team niya siyempre!
me and mareng melissa. nakasalubong ko siya sa corridor sabay bati sa kanya ng belated happy birhday. kagagaling lang niya ng hongkong niyan at super refreshed nga siya. she went to hongkong with kim and gerald. dapata nga kasama si mareng kitkat and jodie kaya lang something came up kaya hindi na sila nagkasama. =)
eto ang pics noong nagpunta ako sa uplb. kamusta naman ang mga uplb babes? =) nagsalita ako sa symposium ng devcom dept nila =) sana madaming napulot ang mga estudyante sa kin.. mapa-aral at kalokohan. =) nag enjoy ako. till nest tym mga isko at isak =)
kamusta naman ang pose ko dyan sorry mga isko at iska ha? natuwa lang talaga ako sa oblation =)














