March 2008
M T W T F S S
« Feb   Apr »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Sponsored Links

Recent Photos

Recommendations

MyBlogLog

SiteMeter

Visitor Locator

Laila's Rank

Games Uplate LIve

Subscribe

Technorati
Bloglines

HAPPY EASTER

March 23, 2008

HAPPY EASTER! naging meaningful ba ang holy week niyo? sana naman kahit papano nagreflect kayo sa passion and death of jesus christ.

today is easter sunday at eto ang muling pagkabuhay ni jesus! importante na magsimba tayo today not because today is a day of obligation kundi ito ang re-enactment kung ano ang nangyari sa kanya more than 2000 years ago! mag-saya tayo mga bespren dahil pagkatapos niyang mamatay para sa ating mga kasalanan ay nabuhay siyang muli.

alam niyo ba noong bata pa ako.. takot na takot ako pagka good friday kasi alam ko na patay si jesus! over bonggang praning ako kasi baka mamaya kung ano ang mangyari. baka lumabas ang mga demons at mga devils tapos kukunin nila lahat ng masasamang tao. tapos maghahari ang kasamaan over good! at a very young age naiisip ko na yun nang walang nagsusulsol sa kin ha? imagine niyo kung gaano ko ini-istress ang sarili ko? grabe dasal ako ng dasal na sana naman wag mangyari yung mga ganung klaseng scenario noong bata pa ako. kaya naman pag easter sunday na tuwang tuwa ako kasi alam kong nabuhay na ulet si jesus!

hanggang ngayon natatakot pa din ako tuwing good friday pero kahit papano di na ko ganun kapraning! dahil may assurance ako na on sunday eh mabubuhay muli si jesus christ at looking forward ako. natutuwa ako sa mga bata na nagsisismba at sa mga mura nilang edad eh uhaw na uhaw sila for gods words… sana lahat ng kids ganun. may mga iba kasi na walang paki, wa care magsimba puros laro, cellphone, computer, at videogames ang alam at nako-cornihan magsimba… grabe.. diba? ako nga hanggang ngayon sa tanda kong to hinahabol ko pa ang pari sa simbahan para lang magbless!

mas nakakalungkot ang ibang umedad na eh ganun pa rin. ( bato-bato sa langit… ang tamaan…, tatamaan talaga sapul pa! ) once i told someone that we should always put jesus in the center of our lives. siya muna bago everything else. magpasalamat tayo sa lahat ng biyaya. pag nagdasal tayo sa kanya gawin nating personal, kausapin natin siya na parang kaibigan para mas intimate ang relationship niyo. pag may matinding nangyari sa buhay natin.. siya lang ang makakapitan natin ng bonggang bongga!

this is me… despite my kulit antics on air and on tv…

despite my cheerfulness and energy.. this is me.. 

religious at mahal ang diyos…

take it or leave it maniwala man kayo o hindi!

walang plastikan eto talaga ako! 

minsan lang to mga bespren kaya pag pasensyahan niyo na ko! =) 

HAPPY EASTER AND MAY YOU FIND WHO JESUS REALLY IS IN YOUR LIFE! =)

GOD BLESS! =)      

Posted by laila at 10:54 am | permalink | comments[2]

HOLY TUESDAY WITH DOC VICKY!

halu! musta naman kayo? nagpunta ako kay doc vicky kanina! nagpajet peel ako ng kili-kili ko para pag tinaas ko ang eliks ko.. masisilaw kayong lahat! hahaha! =) parang l.e.d sa puti! ahahaha! nagpatanggal din ako ng syringoma ko! ewan ko kung tama ang spelling .. hehe! eto yung parang nasa balat ninyong mga white heads na hindi matanggal tanggal kahit na tirisin niyo. pina-laser ko siya! hay mahal na mahal talaga ko ni doc vicky belo at ng kanyang daughter na si mareng crystal! at thankyou na rin kay dra. red dahil siya ang nag laser ng mga chuva ko sa mukha.  

habang nagpipicturan at kulitan nga kami ni mareng valerie at ni mura eh namamaga pa ang mukha ko at sunog sunog ang ibang prtions ng skin ko.. para kong may bulutong at pwede mo i-connect the dots at kala mo may blush on ang mukha ng lola niyo pero ang totoo dahil sa laser yan! nung nagpipicture taking kami nito.. manhid pa mukha ko dahil sa anesthesia kahit sampalin, kurutin at jombagin niyo ko sa face wala akong nararamdaman! haha! pero ilang araw lang naman yun kaya kinarir ko na besides ala naman akong balak na mag out of town at sa bahay lang ako this holy week magninilay-nilay!

sana maging makabuluhan ang holy week ninyo mga bespren!

 

 

 

     

  

eto naman iba pa naming pics ni rj sa mga mall shows namin sa sm sta rosa at sm bacoor! galing yan sa website ni rj.. hiniram ko with consent of tuesday revos di ko alam kung ano nasabi ko kay rj jan sa baba at parang tuwang tuwa siya. =)  

 

Posted by laila at 10:17 am | permalink | comments[1]