August 2008
M T W T F S S
« Jul   Sep »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Sponsored Links

Recent Photos

Recommendations

MyBlogLog

SiteMeter

Visitor Locator

Laila's Rank

Games Uplate LIve

Subscribe

Technorati
Bloglines

when you’re bored while on board

August 21, 2008

hey!

absent ako sa pagb-blog kahapon at nung isang araw ah! sorry naman dahil busy lang ang katawang lupa ko! =) ric rider was absent kasi nung isang araw sa radyo kaya busy busyhan ang level ko! at dahil nga mag isa ako… silipin niyo ang mga pinag gaga-gawa namin while i was on board that day! kahit naman alone ang level ko.. it didnt stop me from having fun!

 

left to right: our EP raymond, me.. ( nagnonovena!), ang bago naming dj na si cha-cha, medyo blurred nga lang!, si china heart, at ang naka koreanong pose na si jack melo!

o ngayon dalwa na silang pose koreano! 

 

 

kamusta naman ang pictorial namin sa may bintana? diba para lang kaming super heroes? that or mga model ng sapatos at tsinelas pang 168 or divisoria, tutuban! =) tingnan niyo si kuya guard sa labas! naguguluhan na siya sa amin!

 

jack and his camera! pag dala talaga ni bespren jack ang camera niya kung anu-anong kalokohan ang nangyayari! =)

 

 

 

mga disk jocks na kamukha ko na nagbabasa ng blog na to… have you ever tried going on board na ganito ang position? try niyo! it’s very challenging! number one, you have to balance your weight on your chair, number two, how do you turn on your microphone? number three is your voice clear enough for your listeners? laugh trip siya kasi.. hindi mo alam kung mahuhulog ka sa silya mo while adlibbing! hahaha! try niyo! tingnan niyo si china heart.. iniisip niya may sapi na naman ako! hahahaha! this is also one way of smelling your own fart without anybody suspecting that you are! hahaha! nga pala… kids.. dont try this at home! =) 

nagsawa na si china heart sa panonood sa kin so he just carried on with his work.. sometimes its healthy for me to make an ass out of myself! atleast diba? i dont make an ass out of others! =)  ganyan ako mag unwind minsan. try niyo rin! well not excatly yung ganyan ha? what i mean is.. try niyo rin na tawanan ang sarili ninyo! dont be so hard on yourself! hava good laugh every now and then!   

today… were off to st pauls manila! kung gusto niyo kaming pumunta sa campus niyo feel free to drop by the comments section of this blog! =)

bukas.. magpapahinga ko.. its a family day for me and im taking the whole family to tagaytay! wala muna trabaho!

sunday after board i’ll see you guys at sta lucia east kc and richard’s gonna be there for their movie for the first time! 6pm!

monday.. i will be on leave but will still work via hosting sa ever gotesco ortigas extension kasama ko ang fresh from vacation na my girl teens!

happy loooooooooong weekend!

stay safe

and as one of my good friend deegee would say…

STAY FABULOUS!   

God bless!  

Posted by laila at 12:48 pm | permalink | comments[5]

chada!

August 20, 2008

baka interesado kayong magnegosyo! go, go, go! =) walang lugi dito! all the details are on this add kaya go! anong inaantay niyo? call or visit the website! =)  

wag din kayo mabigla kung makita niyo ang pagmumukha ko one of these days sa enterpreneur magazine ha? =) sa cavite nga ang laki-laki ng mukha ko sa lotus mall eh! thanks to my good friend kc macapagal.. it’s a bonggang bonggang billboard to the highest level! ! =)

more pics comming soon! =)   

Posted by laila at 2:09 am | permalink | comments[7]

8:03

ITS 8:03 PM…

 

Im starting to feel hungry na! mamayang konti iinitin ko ang pastang baon ko! Kagabi kasi para kong naglilihi! Gusto ko ng spicy tuna carbonara kaya ayun.. nagluto ako ng di oras para lang mafulfill ang wish ng tummy ko! =)

Kahapon at nung linggo magka-kasama kami ulet ng my girl teens! Naichika nila sa kin na nag final taping day na sila last week for my girl! Di ko na tinanong kung ano ang ending! At huwag naman kayo ma-sad kasi may kasunod pa naman silang show! =) sila-sila ang magkakasama, pero once a week na lang silang mapapanood kaya make sure na nasa bahay kayo tuwing Sundays! =) pahinga sila ng ilang araw at mag a-rnr ( rest and relaxation ) sila sa boracay ( aalis sila bukas! ) pero start na sila agad ng taping dun for their new show kaya sorta rnr lang ang level nila! Excited ang mga bagets sa bora! Isama na lang nila ako sa kainan ok na ko! =)

 

 

on our way to lipa last sunday afternoon eto ang mt. makiling… parang natutulog pa rin na dalaga! sayang nga natabunan ang may ilong part. maganda sana kung nakuha lahat! naglolokohan pa nga sila sa van.. andyan daw si anne curtis.. ang nag-iisang… DYOSA! =) hehehehe!

eto naman habang nasa star tollways kami… malawak na bukirin at napaka peaceful tingnan =) maganda din yung skies duuuun sa may bandang dulo na ng picture…. tingnan niyo =)   

 

 

I went to Belo kanina.. gusto niyo ba makita kung pano ginagawa ang new life? eto! Kamusta naman yan? para ba kong si Frankenstein? =) yang mga ecg like apparatusesus-eso-se-su-ses na yan, may mga mild kuryentye na dumadaloy diyan tapos it makes your muscles contract na para kang nagsi-sit ups while lying down! =) after ilang treatments.. may pandesal ka na sa tiyan mo! pwede rin yan pang tone ng braso at ng hita niyo lalo na kung flabby pero paa”laila” it works best with bonggang bonggang work out din! =)

       

Speaking of belo… ang dami nagtatanong o gusto magpaconsult… you may call 373-3355. and if you wanna see doc vicky belo in the flesh ang consultation day niya sa Morato branch ay tuwing Fridays =) call na lang kayo sa number na binigay ko para malaman niyo kung san ang clinic pa niyang iba. =)  

Eto ang iba pang pics na di ko na post dati.. saw riza last Sunday. I find her prettier kapag walang make up. =)       

 

 

  

 

If you happen to drop by abs-cbn.. don’t fail to pass by the cafeteria dahil malapit dun ang studio one now known as dolphy theater. =) 

Posted by laila at 1:23 am | permalink | comments[1]

delivery po! =)

August 15, 2008

Hey, hey bespren!

Kamusta naman ang simula ng loooong weekend ninyo?

Ako eto.. sa sobrang pagod ata nailagay ko na ang 8pm news ko sa tray ng printer ( nagre-recycle kasi kami ng papel eh ) kaloka talaga! Imagine niyo sinabi ko na yung mga sponsors ng balita sabay narealize ko na wala pala yung balita ko… hinanap ko pa ng bonggang bongga! akala ko nga na-printan na eh! Hahaha! Hay naku!

Umalis kami ng 11:30 sa office… nag deliver ng bigas at 3 pm na naka kain ng lunch. Tapos nun make up agad para sa taping ng mechanics ng lol! Sana ok ang outcome. =) im on board right now… eto na-a-abnoy na naman! Lakas na naman ng tama! Hahaha! sing lakas lang ng ulan! 

 

Happy weekend! =)     

 

       

 

      

 

dalawa sa tatlong pinagdeliveran namin ng bigas =)

Posted by laila at 8:59 pm | permalink | View this entry

weekend sched and a few announcements

Hello! Long time no blog!

 

Wanna know why?

 

Kasi naman.. naalala niyo pa ba yung sinabi kong I miss home?! Naku, you should really be careful of what you wish for dahil ayun.. Friday night until around six am ng Saturday.. I was having the BBLBM of my life! ( bonggang bonggang LBM ) kakaloka talaga! Hinang hina ang lola niyo hanggang Saturday ng gabi. Talagang dinaan ko na sa Gatorade na may halong oresol para naman bumalik na ko sa dati. Buti na lang umepekto kasi naman Sunday may mallshow pa ang lola niyo! As ususal my girl pa rin! =) maaga natapos ang mallshow ha? Kaya naman nakapgsimba pa ang lola niyo at isa sa mga paborito kong gospels ang binasa.. Jesus and his disciples were on a fishing boat and he asked one of his disciples to walk on water.. the disciple did what he was told and for a moment he walked on water. but when he began to panic and lost his concentration, he sank in the water. Tapos luminya si Jesus ng.. what little faith you have in me! ( Pasensya na po sa mga non-catholics.. nai-share ko lang..) ang moral of the story is… whatever trials… whatever hardships.. as long as you have faith in him.. hindi ka lulubog sa tubig. Learn to believe, trust in him na hindi ka niya papabayaan =)    

Monday, kahit na recovering pa ko from my bblbm… I went to universal records building to interview miss lani misalucha! Napaka down to earth niya at baklang bakla din siya just like me kaya naman mahigit isang oras kaming nag-chikahan! Alam niyo ba na ang favorite pinoy dish niya ay sinigang? Lalo na pag maraming maraming sampaloc! Di nga daw niya miss ang sinigang sa las vegas kasi may mga pinoy store dun at may binebenta din na knorr na sampaloc! O diba? Kabog! Marunong naman daw siya magluto kaya never nagging isyu na hindi siya nakaka-pagluto ng pinoy food doon! Sulitin na natin siya while she’s here! By the end of august, fly na siya ulet sa las vegas! She’s got a new album out! Nirecord entirely sa vegas and it took her almost a year sa pagpili ng mga songs dahil lahat ng kantang nasa album niya special para sa kanya! =) you can also catch her sa Sunday bigtime idol program ko! Siya ang feature ko this Sunday! Kinig kayo ha? 12nn-1pm sa alalalalalam mo na yan! 101.9 for life! Alamin niyo din ang say niya sa version ni sarah Geronimo na a very special love!

Remember that commercial that I was telling you about na nirecord ko last week? I also found out Monday na hindi rin pala ako ang kinuha nila for the final recording. Medyo masama sa loob kasi naman nag-kanda late late pa ko sa trabaho that day at nabasa ng ulan pero walang personalan.. trabaho lang. =) I believe na may iba pa naman diyan! And I believe in the gospel nung Sunday.. kahit ano pa ang mangayri basta magtiwala ka lang sa kanya! may mga dahilan yan! =)

Tuesday… wala lang.. it was a la-li-la-li-la day for me.. easy easy lang.

Wednesday… parang kanta lang ni gary v! E-TO NA NA-MAAAAN! Hay… its bblbm again! Sa bagay kasalanan ko yun eh… nagtakam ako sa manggang hilaw, dalawa ang nakain ko kaya ayun… rebulosyon habang nagpo-programa ako sa radio! Hahaha! I went to the toilet 5 times within an hour! Kaloka diba? Kada commercial gap ata saka in between 2 songs gumo-go ako sa banyo to bomb Hiroshima! Hahaha! Buti na lang nangyari to nung halos patapos na ang programa! =)

Thursday.. v.o. day ko for cinema news alert! Medyo maluwag ang sked ko ngayon pero bukas…

Friday… pagkatapos ko ng showbiz report ko kay sir ted kailangan maligo na ko agad kasi 10:30 am dapat nasa abs-cbn na ko. Magde-deliver ulet kami ni bespren ric rider ng bigas! =) tapos naman nun pag balik namin may taping ako for a plug sa dzmm! Have you heard of LOL? It’s a new show ng dzmm… they’re looking for stand up comedians between 18-29 years old! kung funny kayo baka eto na ang chance niyong mapasama sa number one am station at Makita na rin sa teleradyo! Go sa auditions on August 28, 10 am onwards sa abs-cbn, center road, mother ignacia street qc! After taping, boardwork at kung kakayanin ko pa… go sa tiendecitas ortigas! andun si mark bautista.. album launching niya! 9pm yun ha? =) andun din si mareng katya santos, Polaris, my Odessa, six part invention at nyoy volante! =) kita kits!

Saturday naman may raket ako.. I’ll be hosting face of the year sa mall of china in macapagal avenue sa pasay! And on

Sunday.. after my boardwork, malayo-layo ang byahe ng lola niyo ( at sana naman huwag na kong sumpungin ng bblbm ko! ) ang my girl teens i-invade ang robinson’s lipa kaya kung taga lipa ka at binabasa mo to ngayon.. eyeball tayo dun ha? =)

More or less that’s gonna be my weeks sched. =) I’d rather be busy than not do anything at all. ewan ko ba… I am my greatest critic kasi eh.

Nga pala… although I am not close to francis magallona, I know that a lot of you would agree that he has been a part of our lives through his music! mga kababayan, meron akong ano.., cold summer nights,  kaleidoscope world at marami pang iba. He was diagnosed with leukemia and will be preparing for his treatment kaya naman baka po generous kayo sa pag-do-donate ng dugo, any blood type will do, go lang po kayo sa medical city lower ground floor and tell the receptionist that you will be donating blood for francis m. kung afraid naman po kayo sa blood, a sincere prayer will do. Pagdasal natin siya.

Good night!

Posted by laila at 1:38 am | permalink | comments[1]

eight eight eight

August 8, 2008

Hellllllllooooooooh!

 

Kamusta naman ang 08-08-08 niyo? =)

 

Hope it’s gr8! =)

 

Sa ‘kin steady lang. =)

 

opening na ng olypimcs! good luck sa team philippines! 

 

go, go, go!

 

Im looking forward sa day-off ko bukas..

 

I kinda miss home. =)

 

Hava happy weekend everyone.

Posted by laila at 8:09 pm | permalink | comments[1]

media invasion!

August 7, 2008

Hey, hey, hey! Kamusta naman? =)

Isang oras lang ako narinig sa ere kanina! Bonggang bonggang Bitin na bitin ang lola niyo sa radio! hiniram kasi ang powers ko ng pinoy dream academy para intrigahin ang mga scholars! Kasama ko sina isa red ang entertainment editor ng manila strandard, si nanay cristy fermin at si mareng ogie diaz! =) si sir isa gave a talk on how to handle the media lalo na kung iniinterview sila ng mga ito, while ogie and nanay naman went inside the dance classroom para interviewhin ang mga probees for this week na sina Miguel, apple at laarni! Sino nga ba sa tingin niyo ang mae-expel this Saturday? Si nanay cristy at ogie…. Hala,  inintriga si Miguel at apple! Kamusta naman yun?! Kung hindi ba naging best of friends at close inside pda si mareng bea (jowa ni Miguel )  at apple may possibility daw ba na maging si miguel at apple since sa itsura pa lang eh mukha nang mang a-agaw si mareng apple! Kaloka diba? At si laarni naman hindi na nila inungkat ang laging umiiyak etc. niyang issues sa buhay! Tinanong siya nila nanay kung bakit parang kinarir niya ang pagkanta noong gala night last Saturday! Naku.. abangan niyo yan mamaya sa pda season 2!

Ako naman, ano nga ba ang ginawa ng lola niyo?… hmmm…  Radio format ang sa ‘kin so as usual kunwari live on air ang set up! Nasa radio ang level at they made me go inside one of their booths! Anong ginawa ko? Oh well… pina-amin ko lang naman si mareng chris kung para nga bang keyboard lang siya ng cellphone at type din niya si sen!    Umamin nga kaya? … manood kayo para malaman niyo! Basta ang alam ko.. pati si bugoy naintriga at may mga kilig moments din na malamang ikalaglag ng mga panty at brief ninyo!  Yan ang dapat niyong abangan sa pda2 !

                                     

ang mga pa-cute moments ko sa pda! =) kamusta naman ang mascot namin na si waki, magkamukha na ba kami? buti na lang pala hindi ako nag-blue! hahaha! =)  eto nga sa pangalawang picture mukhang ako na yung mascot sa tarp namin dahil natakpan ko na siya! sorry naman! =) ( waki pag binaligtad means IKAW kaya yun ang name niya! )

Pagbalik ko ng booth quarter to 8pm na! grabe… kawawa naman ang bespren ric rider ko. Pero kahit na isang oras lang ang itinagal ko sa radio kanina, I am confident naman na nag enjoy silang lahat! Kasi ba naman ang topic namin sa kaliwa o kanan eh kung nabuking mong merong iba ang jowa mo.. kaliwa iiwan mo o kanan aantayin mong magsabi siya sayo na meron na siyang iba!  At as usual may mga nag- react na naman sa text at landlines at ang isa nga dun eh parang matindi ang bitterness na nararamdaman! Kaya naman napaglaruan naming siya ng bespren ko! Say ng text message niya… para sa kin kaliwa, iwan na agad yan! Ang dapat sa mga taong ganun.. pinapaslang! Sabay may sound effect pa kami ng machine gun!

Laila: Eto ang sa ‘yo! Manloloko! Hyaaaaah! ( sound effects ng machine gun!  ratatatatatatatatatatatatatat! )

Ric: at tamaan ka sana nito! ( sound effects naman ng kulog at kidlat! )

Laila: mahati sana ang katawan mong manloloko ka, kapag tinamaan ka ng kidlat! Bahala na si Lord kung pa-horizontal o vertical! Hahahahahaha!

Ric: dahil nasa akin ang huling … ( sound effects ng humahalakhak ng bonggang bongga! ) hahahahaha!

Laila: ( in all seriousness kong nasabi ) kayo naman kasi, kung sakali man na nainlove kayo sa iba.. sabihin niyo na lang sa partner niyo, makipag break na lang kayo ng maayos kesa sa tinatago niyo pa! mas maigi na yung may closure ang relationship niyo kahit pa masakit! Ay teka…. HEART TO HEART NA BA? Bakit parang napa-aga ang programa ni regie valdez! Hahahaha!

Ric:  hindi pa heart to heart pero maganda yang payo mo! Tapos sabihan niyo na rin siya ng ganito.. uhhm dear im sorry ha? Pero.. ( boses ni senator Miriam defensor Santiago nung sinabi niya noon na I LIED! )

Hay kaloka talaga!

Malapit na akong mag-slumber. pagka gising ko mamaya after my showbiz report kay sir ted may titingnan akong pwesto! Please pray naman for me… magve-venture kasi ako sa isang negosyo. =) pagkatapos nun.. go kami sa grocery ng kuya ko. Wala na kaming chicha sa bahay eh! =) mamaya after boardwork.. im gonna party with deegee and my friends! Andun si robby dominggo! Will tell you the latest tomorrow!

Mornight! ( good morning at good night! )     

 

Posted by laila at 1:58 am | permalink | View this entry

good and bad news!

August 5, 2008

oha! oha!

 

ang sipag ko ngayon magblog noh?…. waaaaaaaalaaa lang. =)

how was your day today?

ako, it started out like any ordinary monday morning… after my showbiz report i was scanning channels and saw mr. edu manzano and sylvia reynoso cooking sa umagang kay ganda! ang kulet nilang dalawa magluto kaya naman i texted chairman and said… dapat magkaroon ka ng cooking video!… wag lang sanang piratahin! hahaha! =) nag reply naman siya, he said.. come join my classes.. JOKE! haha! pero infairness to the chairman,,, ang cool nilang dalawa tingnan habang nagluluto! kwelang-kwela!

pagkatapos nun… i was surfing the net for some stuff… im planning a vacation. pero dito lang sa tabi-tabi. yung mga tipo bang… tuhog tuhog lang ng fishballs! hahahaha! sa sobrang basa ko sa computer… nakatulog ako. pag gising ko, mag-a-alas dos na! kaloka diba? nagulat nga ko eh kasi nakatulog ako ng walang electric fan! = ) pagkatapos nun kumain na ko ng brunch.. then para lang akong ibon… inilabas ko na rin siya agad sa toilet! =) pag labas ko ng c.r. meron na kong 12 missed called and 6 messages recieved. di ko pa nao-open ang inbox ko may tumatawag na naman! it was digitrax.. a recording company for tv and radio commercials. kailangan daw nila ang boses ko kaya ang isang ordinary monday ko.. naging not so ordinary! i rushed to makati at inabot naman ako ng malakas na ulan habang papunta sa station ( at may bitbit pa kong pasalubong na kwek-kwek para sa bespren ric ko ha? ) kaya ayun… nalate ako ng bonggang bongga! nakarating ako mag-a-alas syete na ng gabi! kaya i told my boss na kahit late na ko ng halos two hours at considered absent na ko kerri lang kahit wala nang bayad… mag-sasalita pa rin ako sa radyo. =)

hindi ko muna ilalagay sa blog na ito ang commercial na binoses ko kasi baka mamaya hindi naman umere sa mga stasyon ng radyo.. nag-maganda lang ako diba? =) saka na lang pag andyan na talaga!

while on board one of our topics was… SAAN MO MAS GUSTO BUMILI NG MANI? SA KALYE O SA GROCERY? kamusta naman ang tanong na yan! syempre yung iba matino ang sagot yung iba naman eh may halong berde! may sumagot pa nga ng sa grocery para mas malinis, mas safe! kaya sabi ko… parang biogesic lang ha? kaya naman sagot ng partner ko… ( ka tono ni john lloyd ) PEANUT! ayun… tawa na naman kami ng tawa! ginawan na namin ng script… HI! SI CHANLOYD PO TOH! ETO NA NAMAN AKO BABYAHE, KAYA BAGO KO SUMAKAY NG BUS, BIBILI MUNA AKO NG “BIONUT!”… O PAANO?… ALIS NA KO… PEANUT! =) hahaha! =)

at ang nakakaloka.. nung bumabati na kami on air… napa-dighay ako dahil sa kinain naming kwek-kwek ni bespren ric rider! =) nakakahiya talaga ako!

after my boardwork… i was saddened by the news that my mom told me over the phone… tweety.. one of favorite cats passed away. hay… nagflash back tuloy ako… sumampid lang kasi yan sa amin… babyng baby pa siya nun and since then.. hindi na siya umalis. mula nung dumating siya sa bahay namin sinuwerte na ko kaya naman mahal na mahal ko yung pusang yun. naalala ko kung pano siya maglambing … super kiskis siya sa legs ko pag gutom na siya at pag gabi naman he’d roam sa paligid ng bahay namin na parang aso just to check kung may mga daga. pag patulog na siya minsan dun pa siya sa pasilyo ng bintana ko matutulog parang binabantayan din niya ko. so saaaaaaaaaad talaga! huhuhuhuhuhuhuhuhu! binibilhan ko pa nga siya ng sardinas at minsan, hina-hatian pa siya ng kuya ko sa isang lata! hahaha! kaloka! pero im really so sad…. haaaay! i am grieving for the loss of a dear pet! call it kababawan pero kasi attached ako sa pusa na yun =) inisip ko na lang na may dahilan kaya yun nangyari!

after the sad news … i went to Philippine heart center to visit my former boss.. i-a-angioplasty siya mamayang 9am. so i said that i will pray for him. =)

balikan natin ang pusa ko! malapit na ko matulog pero hindi ko pa rin maalis sa isip ko na di ko na siya mahahawakan, mabubuhat at makukulit.

may mga moment na kamukha nito na i wanna know if pets also have souls like we do? nalulungkot talaga ako… sana meron… di siya kasi sa kin nag goodbye manlang kaya wala akong closure. he was alive and well when i last saw him. iniisip ko na lang din na baka ayaw niya kong makita na-sad kaya he silently left the world.

sensya na po… senti lang.

makatulog na nga!

good night!

Posted by laila at 12:49 am | permalink | comments[1]

dolphy

August 4, 2008

just finished dinner! =) kamusta naman ang sabado’t linggo niyo? ako medyo busy kahapon pero ngayon easy, easy lang. =)

kahapon, sabado, kahit day-off ko, rumaket kami ni bespren ric at bespren china heart sa marikina sports complex! 75th founding anniversary ng roosevelt college at naki-jamming at kulitan kami with them! ang galing talaga ng pupil, moonstar 88, astrojuan, polaris, mocha at ni ronnie liang! pero siyempre magaling din at mananatiling mahal na mahal ko ang itchyworms dahil kung di nila pinahiram ang mga palo ng drum, base at rhythm ng gitara pati mga boses nila… hindi namin mabubuo ang bonggang bonggang jingle namin =) ( at syempre thankyou din kay mareng yeng constantino )

mabuti na lang pala at natulog ako halos maghapon yesterday kasi pa-morningan pala ang level nun! parang woodstock! pati nga si teacher von arroyo ng pda nakikulet na sa amin =) marami palang celebs ang naging parte ng roosevelt college ha? senator edgardo angara, miss nova villa, isko ( brad pete ) salvador, ara mina, mother ricky reyes at ang isa sa mga jocks namin.. si bespren arnold rei! =)

ngayon namang sunday aside from boardwork… pahinga ako ngayon dahil wala akong raket kaya nag-kikay naman ako sa parlor! you like my new do? eh yung kulay ng hairlalooh? how ’bout the chocolatey finger nails? go kayo sa lineamenti salon… creekside square tomas morato ave qc! its the big building bago mag e. rod! =) if you get lost call them at 412-0168 tanungin niyo na rin sa kanila ang kulay ng buhok ko dahil yan ang mga frequently asked questions regarding my crowning glory =)  

 

        

 

       

 

im watching dolphy at 80 ngayon… sa mga kabataan na ngayon lang nagiging teen agers… si tito dolphy ang pinagmulan ng phillipine comedy! at nanghi-hinayang naman ako dahil hindi niyo inabot ang pag-papatawa ni tito dolphy!

maging ako man … isa siya sa mga influences ko! watching the tribute…naalala ko ang mga panahon ng john and marsha.. ang mga pelikulang napanood ko na siya ang bida.. kasama ang side kick niyang si panchito alba, isama mo pa yung darna kuno niya at pacifica falayfay! haha! yung pelikulang nakatayo siya sa window tapos kunwari manikin siya tapos naka-dress siya na pambabae.. eh biglang ginapangan siya ng super malaking gagamba sa legs… hindi naman siya makagalaw kasi may pinagtataguan siya kaya nga siya naka-disguise siyang manikin na babae! hahahaha! just imagining it makes me laugh now! =) yung iba ngang napanood ko nung bata pa ako.. super black and white pa… payat pa siya nun at kamukhang kamukha niya si epi quizon =)

come to think of it.. medyo senti ako ngayon dahil parang narealize ko na, oo nga!… parte na siya ng buhay natin talagang mga pinoy! at nanghihinayang talaga ko sa mga kabataan na hindi na inabot ang humor nila katsupoy, chiquito, tintoy, bentot, palito, pugak, tugak, chichay, aruray, ben tisoy, ading fernando, panchito, redford white, jeorge javier, ike lozada, german moreno, babalu, mang temi, tito, vic and joey alam niyo kung bakit?…. back in those days… facial expression palang nakakatawa na… samahan niyo pa ng mga funny dialouges nila! im not saying that the comedians now are not funny ha?!… mas nakikiliti lang siguro ang funny bones ko sa mga komidyante noon! alam niyo naman ako super babaw! hahaha! =)

nakaka-iyak naman ang tribute para sa kanya… ang sarap siguro ng feeling na buhay ka pa bnibigyan ka na ng tribute. buhay ka pa nariribig mo na ang mga magagandang salita na masasabi nila sa yo. dapat lang talaga na parangalan siya. to my idol… the king of comedy… long life, good health, more wealth! belated happy birthday tito dolphy! =)

Posted by laila at 12:18 am | permalink | View this entry

and here are the extras…

i was watching tito dolphys tribute.. nakita ko sina christian bautista at erik santos singing.. texted them both… i said.. parehas silang mas gumu-good looking =) both of them said thanks! natanong ko na din si erik kung kakanta nga ba siya sa olympics… and he replied.. yup sa cloing ng olympics sa september 16. he will represent our country =) tarrray diba?

kagabi naman i was talking to ronnie liang about betty la fea…, naku.. abangan niyo ang character niya dun baka manibago kayo… medyo bad at chikboy ang lolo niyo dun ha? pero he said in real life hindi siya ganun! at hindi naman talaga dahil kilala ko naman siya =) super nice guy at gwapo pa =) you know what else he said? noong nasa pda daw siya.. meron siyang apat na dreams #1 magkaroon ng album, #2 magkaron ng hit na kanta, #3 makatrabaho si bea alonzo at #4 ang magkaroon ng pelikula! yung number 1-3 nakuha na niya kaya naman pabiro kong sinabi sa kanya… hayaan mo at malapit na yung pang apata na dream mo na matupad… at si sarah geronimo pa ang kalove team mo! yiheeeeeeeeeeeeeh! =)

Posted by laila at 12:16 am | permalink | comments[2]

mahaaaaaaaaaabbbbbbbbbbbbbbbaaaaaaaaaaaaaah!

August 1, 2008

Its been a loooong day! =) after my showbiz report kay sir ted failon…, naligo na ko then go sa abs. 9:45am umalis kami ng partner kong si ric rider para magdeliver ng bigas! Inuna na namin ang las pinas, tapos naligaw sa paghahanap sa balut tondo, at naligaw ulet sa maypajo Caloocan then sa other side ng Caloocan near bulacan na ang bagong silang! Ang layoooooooooh pala nun! Pero infairness naman sa nanalo naming ng 50 kilos of rice na si Jeffrey, pinabaunan pa kami ng cheeseburger at pati ang mga kasama naming dj sinakop pa niya! =) atleast may nakain kami pabalik! Bago umuwi sa base dinaan na din namin ang bigas sa isa pang nanalo sa may commonwealth since dun din naman ang way namin papuntang abs. =)

It was an experience going to their houses kahit na madalas kaming naligaw. masarap pala ang feeling kapag pina-tutuloy ka nila ng buong-buo sa bahay nila parang you feel na parte ka na talaga ng buhay at pamilya nila. Going to their houses makes you understand your listeners more.. I dunno…. it was just a very humbling experience, nakaktuwa din sila kasi karamihan sa kanila nag absent pa talaga sa trabaho nila para lang antayin kami. Kahit pagod Masaya… kahit naligaw, nalate sa boardwork… I must say… it was worth it! =)

at isa ko pang narealize….. ang laki pala ng mega manila talaga! =)  

Bukas nga pala August 2, 8pm nasa Marikina sports complex kami kasama ang mocha, pupil, itchyworms, moonstar 88, Ronnie liang  at marami pang iba! See you there!

 

happy weekend!     

Posted by laila at 9:04 pm | permalink | comments[2]

happy weekend!

fri july 25… i interviewed charlie green! half pinoy half brit from britains got talent! madaming project ang abs for him!

sat july 26… my girl teens invades dagupan!

sun july 27… my girl teens conquer sm sta rosa!

wed july 30…. me and my jumpsiut at magsaysay shipping in ermita! ang galing ng marino event! at dahil nga buong araw ang event… nung gabi ko naramdaman ang bonggang bonggang gutom! tatlong piraso ng manok at 2 cups rice nakain ko! para kong karpintero sa gutom! =) naubos ata lahat ng kinain ko the whole day sa kanila! pero dont get me wrong ha? madaming food sa event! nagutom lang talaga ako!

thurs july 31… me and my maniquin jowa! haha! nanood ba kayo ng uplate? ang kulet talaga nitong manikin na to! naging shota ko ng di oras at… humihilik pa! kaya mine meme ko habang nagpapa games! =) ngayon malapit na ko matulog! maaga pa kami ni bespren ric bukas dahil magdedeliver pa kami ng bigas sa mga nanalo sa cash, gas, bigas at load promo namin! =) hope you hava happy weekend!

Posted by laila at 12:14 am | permalink | comments[1]