September 2008
M T W T F S S
« Aug   Oct »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Sponsored Links

Recent Photos

Recommendations

MyBlogLog

SiteMeter

Visitor Locator

Laila's Rank

Games Uplate LIve

Subscribe

Technorati
Bloglines

in loving memory

September 24, 2008

last friday, my dog connie, who i have been spending most of my time with passed away.

i know some of you might not relate and say that its just a dog but im sure there would also be some who would symphatize and  remember the loss of not just a dog but a pet! hindi lang naman tayong mga pinoy.. lahat ata ng tao sa isang punto ng buhay nila napamahal sa isang alaga, tulad ko…. ive been with my dog for the last ten years at kahit na mag iisang linggo palang siyang gone, naaalala ko pa rin siya. i find it hard to move on lalo na kapag nakakakita ako ng aso at amo tandem! apart form my parents and siblings.. i guess the relationship with my dog is one of the longgest that ive ever had! pag umuuwi ako sa gabi.. nami-miss ko ang pagsalubong niya sa kin. up until now,. i can imagine hearing her footsteps kapag binubuksan ko ang gate namin kapag umuuwi ako sa gabi! at ngayon wala na siya, wala na ding nagki-kiss goodbye sa kin pagka-sara ko ng gate namin pag paalis na ko ng bahay namin kaya ako na lang ang pumupunta sa may puntod niya to say goodbye! ( nilibing namin siya sa may gilid ng bahay namin. ) i treat her as if she was still alive! i say goodbye but ofcourse, minus the kiss! i may sound a bit looney but i’ll get over this.. i guess this is just part of my grieving stage kaya pagbigyan niyo na ang topak ko. minsan nga naisip ko.. paano pa kapag tao na ang namatay?…. siguro mas lalo na!    

there are lots of stories that i can fondly share with you when it comes to my pet connie! bunso siya at last batch of litter ng nanay niya na aso ko din na si sarah ( shes gone na din ) we used to have lots of dalmatians pero yung iba binenta, yung iba pinamigay na. siya na lang ang natira.

aside from shes very playful.. she mumbles as if she speaks! madalas pag umuuwi ako ng bahay.. para siyang may sinusumbong sa kin on a happy note! she’s always glad to see me!

madalas na kapag nama-malengke ako sa talipapa namin kasama ko siya! at kapag nakasakay na ko sa tricycle dahil madami na akong bitbit.. siya din naka-sakay na sa tricycle! pag di naman niya feel jumoy ride.. she’d run along the trycycle not losing sight of her master! kapag namalengke ako.. siya rin may napa-palengke dahil sa sobrang tuwa ng matadero sa kanya, binigiyan siya ng buto! konting pa-charming lang..konting pacute.. solve na agad si connie! =)

wala siyang kyeme paliguan. very behaved! pero pag tapos na.. habulan kayo kasi ayaw niya magpatuyo ng tuwalya!  

kapag umuulan.. she’d scratch our wooden door kasi gusto niya dun siya sa dirty kitchen namin mag s-stay! at isang beses nung new year… nakita namin siya sa likod ng luma naming pick up truck! how she got there.. we really dont know! sa sobrang takot siguro sa mga paputok napa talon siya ng bonggang bongga!


 

she’s really selosa and she doesnt want me attending to other pets! kapag nakikita niya na may kinu-kuyangyang akong pusa.. tatahol siya ng tatahol as a sign of protest. minsan naman hindi siya kakain kasi nga nagtatampo! nakakaloka talaga ang aso ko!

before i left for work that day, i told her na wag munang bumigay kasi uuwi pa ko tapos aalagaan ko siya but i guess  hindi na talaga niya kaya. pero kwento nga ng kuya ko kahit na naghihingalo na siya.. lumalaban pa rin… grasping for air.. maybe because she remembered what i told her.. na hintayin ako.. and as gruesome as it may sound and to imagine.. she died with her eyes open… probably because she was waiting for me! nung dumating ako ng bahay namin.. siya ang una kong pinutahan.. naka-sako na siya and my “in denial self” told her to wake up kasi nga andito na ko! I AM JUST SO SAD! kaya lang ganun talaga, nothing is permanent in this world diba? maigi na rin siguro yun para tapos na ang paghihirap niya!

so as the rain falls on the roof tonight, while some of you are sound asleep…, i type this blog with sadness, pain and tears just like the rain dropping from the deep, heavy, dark sky. i am sad.. but i will recover! promise.                    
     

 

in loving memory..

a loyal pet,

a good companinon, 

you shall be missed =( 

 

 

pasensya na madrama!  

Posted by laila at 11:37 pm | permalink | comments[4]

campus tour!

my bespren ric rider and i pati na rin ang ep namin na si raymond have been places lately! campuses to be excat! baka naman feel niyo kaming imbitahin! may papagawa kami sa inyo! ….. =) 

with st pauls students! =) may bago kaming pakulo sa programang soundtrip kaya abangan niyo yan!

 

we also went to plm! post ko pics soon! =)   

Posted by laila at 11:19 pm | permalink | comments[5]

abs-cbn tours office!

i went to abs cbn tours office a few weeks back to reserve some seats for wowowee at infairness ang ganda ng mga nakasabit sa mga walls nila ngayon ha?  mga hands ng celebs together with their pictures on the actual day nung ginawa nila ang handprint sa frame ng plaster of paris! bongga! look!…

divine diva zsazsa padilla and miss kris aquino!   

mareng juday and daddy pj’s handprints!

mareng bea alonzo at miss charlene gonzales mulach!

handprints ng dyosa, mareng anne curtis! pinatong ko, hands ko baka sakaling nahawahan niya ko ng kagandahan! =) si gerlad anderson andyan din =)

handprints ng mga taong masisispag =) maam charo santos, tito dolphy, mr. aga mulach, mr. pure energy gary v. and the diamond star miss maricel soriano!  may i put ko nga ang hands ko sa ibabaw ng frame ni maam charo.. . tiningnan ko lang kung fit ba ang hands ko to be a leader! what do you think? =) 

Posted by laila at 10:55 pm | permalink | comments[7]

ecomoda

kung may betty la fea fever kayo.. eto ang ecomoda!


                 

alam niyo naman kung kaninong office to davah? =)

 

ang pogi talaga ng lolo niyo =)

 

 feeling secretary =) hahaha!

 

eto si domileo espejo of abs-cbn interactive! siya rin ang ep ng games uplate live =)

 


 

at eto ang mga gigantic paint brushes na makikita niyo sa  entrance ng ecomoda!  ang cute diba?  pwede nang pang pintura ng bahay! =)

Posted by laila at 8:22 am | permalink | comments[4]