Home » Post Item » ups and downs
ups and downs
November 5, 2008long time no blog na naman!
lately kasi masyado kong dinidibdib ang kalagayan ng mommy ko. alam niyo kasi basta usaping nanay nagiging sensitive ako dyan eh. lalo na kapag kalusugan na niya ang concerned. sa mga bagong readers just for recap my mom has cardiomyopathy.. its a heart condition where in the heart size is way beyond normal at mabagal na po tumibok ang kanyang puso.. but dont get me wrong, able pa naman siya.
lately kasi nagcocomplain siya na lagi mabigat ang dibdib niya, saka parang nagpapalpitate siya kaya nung nagpatingin siya sa doctor a couple of weeks back.. may mga series of tests na ginawa sa kanya. results show na mataas ang creatinine level niya indicating some signs that maybe.., her kidneys are not functioning well. her cardiologist suggested she seeks medical attention via nephrologist. nagpatingin naman ang nanay ko. pero sa mga sandali na hindi pa nalalaman ang totoong dahilan.. sobrang kabado ako… what is a daughter to do? i cant help but be paranoid na baka mamaya kung ano na yun diba? eh nanay ko na yang pinag uusapan. those where one of the darker days in my life.. lalo na nung sinabi nung cardio that there is a chance na baka nagsisismula nang hindi magfunction ng maigi ang kanyang kidneys! when i first heard that… para akong nanlambot kasi ang una kong inisip renal failure! pinaglalaruan ako ng utak ko na baka mamaya complication ng sakit niya yun at yun ang ikawala niya sa mundo. iyak talaga ko ng iyak pero siympre isinasantabi ko kapag nagpoprograma ako sa radyo. hindi naman sa plastic ako pero diba? yun ang purpose ko.. ang magentertain. ( at yan nga ang tawag sa kin ng mga kasamahan ko.. the ever professional laila! )
mahirap pala magpanggap lalo pa at hindi naman talaga ako plastic na tao! usually kasi what you see is what you get in me pero sa puntong iyon, i have to keep my composure kahit pa may dinaramdam akong mabigat sa akin. lagi akong super pray noon kay lord at sabi ko nga sa kanya na siya na ang bahala. alam ko, na kung ano man ang mangyari, he is totally in control of the situation! kaya isinusuko ko lahat ng hurt, kapraningan at fears ko sa kanya. alam ko, he will catch me even if i fall ten stories high. talagang nagtiwala ako sa kanya ng bonggang bongga!
ilang araw din yun sa bahay… hindi ko pinapahalata sa nanay ko na hurting ako for her situation.. minsan nga naisip ko kung ganito ang nararamdaman ko para sa kanya… siguro MAS yung may katawan diba? kaya hidni ko na pinahahalata sa kanya na nasasaktan din ako.. alam ko kasi na ako ang pinaghuhugutan ng lakas ng mommy ko. pag-aalis na ko papunta sa trabaho lalo na pag nakasakay na ko sa jeep.. i cant help but be emo! tumutulong kusa ang mga luha ko kaya dasal na naman ang lola niyo ng…. Lord i completely trust in you. at kapag nagkakaroon ako ng doubts…, paulit ulit kong pinapatugtog ang take me out of the dark ni mr. pure energy gary valenciano just to remind me of the lines… I JUST FORGET…. YOU WONT GIVE ME WHAT I CANT BEAR. halos ilang araw ko rin syang naging anthem… playing it over and over again kahit pa gasgas na gasgas na siya sa iphone ko. yun kasi ang pang comfort ko sa sarili ko at ang promise ni Lord na hindi niya tayong lahat papabayaan. kaya i always tell myself that it is a SIMPLE MATTER OF TRUSTING THE LORD!
after a few days of dwelling in my depression… nung friday habang pauwi na sa mrt and as i was doing my usual routine na nagpapatugtog ng take me out of the dark… nakatabi ko ang isang madre! lalo ako napaluha, nagmano ako sa kanya sabay dialouge ng… alam niyo po sister, tuwing may iniinda akong problema o masama ang loob ko…, kadalasan talaga, may nakakatabi akong gaya niyo o kaya naman nakakakilala ako ng pari at minsan nakakakita ako ng rainbow. its just like the Lord saying na kahit hindi ko siya nakikita.. he sends his representatives to remind me na andyan lang siya sa paligid ko at di niya ko iniiwan and to not lose hope at wag bibitaw. the nun smiled at me and said hindi naman talaga niya tayo bibigyan ng pasanin na hindi natin kaya. and i replied opo… alam ko po yun sister… its just a simple matter of putting all your trust in Him! Amen to that!
alam niyo ba pagkatapos nun bigla na lang talaga nawala lahat ng fears ko for my mom. nakampante na ko at nung Lunes nga nagpaultrasound ang mom ko just to see if her kidneys are doing fine. were still waiting for the results.
although im ok na.. i am still asking for your sincerest prayers na sana naman hindi siya malala.. i love my mom so much kaya if you love me too.. sana naman po maipagdasal niyo man lang kahit saglit ang nagbigay ng buhay sa bespren niyo sa radyo, her name is Norma R. Asis. salamat po in advance. and God bless you po!
Previous Comments
Coach Purses
coach outlet
Coach Handbags
wondlle
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.






Isasama ko siya sa prayers ko Dj Laila. Basta, have faith in Him. Hindi Niya pababayaan Mom mo. I-entrust mo lang sa Kanya. God bless.
Posted by Ulrichk at November 6, 2008, 9:01 pm