Home » Archives » 11. November 2008
what a way to die!
November 11, 2008touchdown!
i just got home! 2nd to the last train na ng mrt ang nasakyan ko pauwi! kala ko nga di na ko aabot. mag isa pa rin kasi ako until now, naka indefinite leave pa rin ang partner ko na si ric rider ( he’s in ilocos taking care of his dad. please pray for him.. illuminado sapla ) kaya i had to do things all by myself. medyo hirap pero ok lang naman. yun nga lang yung showbiz ko after boardwork ko na talaga nagagawa kasi busyng busy talaga kaya ang hobby ko ngayon after nine pm is makipaghabulan sa tren =)
pagdating ko sa bahay kinulit pa ako ng aso kong si mylo kaya naharang pa ko bago makapasok ng bahay! pag pasok ko naman sa bahay, nasamid ako ng bonggang bongga while drinking water! kala ko katapusan ko na kasi hindi ako makahinga! kahit na umuubo ako hindi talaga ko makahinga, parang may bumara s baga ko kaya hindi makalabas yung hangin! na alarm yung kuya ko… ( buti na lang gising pa! )
lumapit siya sa kin ‘pinagtatawanan pa ko nung una kasi nga sobrang samid ko daw! pagharap ko sa kanya.. i can feel na kulay violet na ko kasi nga i really couldnt breath anymore! dumayalog pa nga ako sa kanya ng…
laila: ( almost wala nang boses and grasping for air! ) i cant breathe! ubo, ubo, ubo!
kuya: hahahaha! tubig lang nasamid pa! hahahahaha!
laila: i really cant breathe! haaaaah… haaaaaah… ( grasping for air! )
kuya: huy! ok ka lang ba? totoo ba yan?
laila: ( wala nang dialouge! puros grasping for air na lang! ) haaaaaaah!…. haaaaaaah! ( sabay kumakampay ang kamay ko for help sa kuya ko! )
kuya: ay *(*(&)&^$%%^&*)#@%! totoo nga! ( sabay binear hug ako or what you call the heimlich manouver! )
AYUN! PAGKATAPOS NUN… ISANG SOBRANG MALAKAS NA UBO TAPOS LUMABAS NA LAHAT NG TUBIG NA NAIWAN SA BAGA KO OR WHEREVER IT WENT!
at mabuti na lang nasa may lababo kami nung nangyari yun otherwise magkakalat ako sa floor ng bonggang bongga!
pagkatapos nun.. sabi ng kuya ko..
kuya: totoo pala yun ano? pati yung manouver totoo din pala! ang galing! ayan kasi sa sobrang daldal mo sa radyo hindi na ata synchronized ang paghinga mo kaya ka nagkaganyan!
sisihin pa ko? feeling ko nga may naka-alala sa kin ng bonggang bongga kaya ganun! sana lang nung naalala niya ko project ito at hindi dahil sa uber galit! hahahaha!
ang pangit kung nagkataon na sa samid lang ako natepok noh? what a way to die!
a sunday excursion!
weekend… the most awaited day of the week for most of us! tama?
tama! kasi naman kadalasan sabado ang day off mo or linggo o kaya naman kung maswerte ka.. para ka lang high school o grade school student dahil you have two days off to spend for family or self or lakwatcha!
me… i spent my saturday cleaning my moms room and the library! not to mentoin washing the clothes as well! translation… chu-momok!, katuts na all around ng bonggang bongga! but i dont really mind coz i was really in the mood kaya kinarir ko na siya! di na nga ako naka attend ng birthday party ng inaanak kong si yuwi! ( anak ni bespren ric rider yun! ) sa qc kasi ang party and im in las pinas, dusting, sweeping and moving things around! natapos ako mag aalas onse ng gabi! nakaligo na ko ng umaga pero sa lagkit ko.. i really had to take a shower before i doze off into deep slumber and deep slumber it was! ayun sa sobrang pagod nga ata nalate tuloy ako ng gising! haha! nalate din ako ng five minutes sa boardwork ko! =)
aside from being late… it was a typical sunday morning for me…, i was watching tv mass while on board,
doing my showbiz for the next day,
drinking coffee and being hyper!
a typical sunday morning with a not so typical sunday afternoon!
around 1:30 pm kahit na kasagsagan ng ulan… go ako sa baliwag bus station at sumakay sa bus! i went to cabanatuan to visit my dearly departeds! hindi ko kasi sila nadalaw nung undas, yung mga nasa maynila lang ang nadalaw ko kaya baka magtampo at ako ang dalawin nila! sa totoo lang.. kapag sumasakay ako ng bus.. afraid talaga ko kasi nga praning ang lola niyo na baka ma-aksidente or something.. pero infairness sa nasakyan kong bus bongga ha? at to even take my mind of my silly paranoia.. kamusta naman ang kundoktor at pinalabas ang a very special love? oha? eh di kinlig-kilig naman daw ako sa bus! dumating ako sa sementeryo… malapit nang mag 6 pm… literal na palubog na ang araw or shall i say lubog na nga kasi umuulan din sa nueva ecija. its a bit creepy to go there lalo na kung ikaw na lang mag isa sa sementeryo… some of the museleos were even lit kaya parang mas creepy! habang naglalakad ako… pumapatak patak pa ang ambon sa tshirt ko at naririnig ko pa ang mga palakang bukid na kumokokak kokak pati na rin ang mga kuliglig at crickets! ( bongga ang welcoming committee ko davah? ) sabi ko nga sa sarili ko… sana naman huwag akong makakita ng sam-thing kasi alam niyo naman ako … tumithird eye at times! at mabtui naman hindi! when i reached the puntod.. may kandila na nakasindi.. it was originally a tall candle pero nung dumating ako.. paubos na ung flame.. naka-lock na din un museleo kaya sa labas na lang ako nagdasal! infairness to the candle… it seems like it was waiting for me before the flames die down.. or was it?
was it really waiting for me? o baka naman……. the spirits had something to do with it!
HALAAAAAAH!
pagkatapos kong magdasal i went to my lolo’s house then off to church and heard mass tapos bumalik na ko ulet ng maynila! mas matagal pa nga byahe ko kesa sa ini-stay ko dun =)
WEEKEND is such a cute word for me… we always look forward to it… but when the weekend.. ENDS… we dont want it to! think about it! =)




