Home » Archives » 16. December 2008
the newest member of the family!
December 16, 2008nakakatawa man pero pagkatapos ng forty days ni connie dog ko… ( my dalmatian who passed away ) i decided to look for a dog not to replace connie ( just like beyonce’s song.. irreplacable siya! ) pero para maging newest member ng pamilya i came upon an ad in the net and from there i bought milo! happyng happy nga siya nung dinalaw ko siya sa bahay ng dati niyang owner! i was just about to bend over to say hello to him bigla na kong dinamba at dinilaan sa mukha! nagpacharming siya ng bonggang bongga sa kin and i fell for it! cute naman talaga siya! may mga kalokohan nga lang! nung inuwi ko siya sa bahay tinabuhan ko pa siya sa garahe kasi na home sick bigla! he kept on howling kaya sinamahan ko.. grabe.. pinapak ako ng lamok at naglalakad kami ng alas tres ng madaling araw sa kalsada!
ngayon sanay na siya sa bahay namin.. masyado nga lang comfortable kasi lahat ng makita ngianngatngat niya! kaya yung mga tsinelas we make sure na di naiiwan sa labas or else… MYLO THE ENERGY DOG WILL DESTROY IT! =) minsan may bitibit siyang textbook… magbabasa ata at eto.. mahilig din siyang mag walis ng bahay namin!
kakaloka minsan ang aso na to lalo na kapag bitin siya sa kinain niyang dog food.. kinakaladkad niya ang kainan niya sa paligid ng bahay namin!
this is sylvester.. a stray cat that i adopted. =) friends naman sila!
tinatali ko si mylo kapag bad siya para matuto and i think he understands naman.. i think! =)
sorry nakalawit ang lipstick niya! -) thats his fave towel. bagong ligo siya niyan!
kapag nakatali siya.. bait baitan ang level pero kapag nakawala.. get ready to rumble! haha! =)
and if everythings ok…. ( pwera usog! ) here’s to ten years and over of companionship!
malapit na ang birthday ko!
its been almost a month na hindi ako naka-kablog! pasensya na po.. busy lang… alam niyo naman tuwing panahon ng disyembre mabenta ang lola niyo.. kinakarir ko na ang pag hohost ng christmas party! =) a few weeks back nagpictorial na kami para sa website namin! abangan niyo yan! post ko din dito para masaya. satisfied naman ako sa itsura ko sa pics kasi.. i guess i lost some pounds! aside from attending presscons.., nalaunch na din ang sunday bigtime pinoy with the pda scholars! ( tuwing linggo po yun 12nn til 1 pm sa 101.9 for life! ) aside from that nai-launch na rin two sundays ago ang programa sa dzmm na laugh out loud! hindi siya seryosong balitaktakan considering sa dzmm siya napapakinggan at sa teleradyo napapanood pero seryoso naman kami sa pagpapatawa ni onse! ( ang grand champion ng lol ) kaya maghanda na kayong kabagan ng bonggang bongga!
two days ago.., sunday, naitayo ko na ang christmas tree sa bahay namin! it was actually a surprise for my mom kasi all these years.. all we have is a christmas plant and since i am dedicating my spare time with my mom dahil bukod sa may sakit nga siya eh umeedad na din…, bino-bongga ko na lahat to the highest level at isa nga dun eh yung bilhan ko siya ng christmas tree na bongga! in fairness nasurprise talaga siya at nagustuhan niya. isang WOW!! lang ang nabitawan niya! =) nakitulong pa nga siya sa pagsabit ng christmas balls at kanina pagdating ko galing station, binilhan ko siya ng puto bumbong. nagising siya nung dumating ako kaya kinain niya agad ang pasalubong ko sabay kwento ng.. kanina sinindihan namin yang puno ni vi ( kasambahay namin ) ang ganda kasi eh! hay.. kaya naman kahit may kamahalan ang puno.. sulit naman kasi na-apreciate niya! madalas akong nakapikit kapag namimili ng mga gamit kasi naisip ko basta maligaya nanay ko.. go lang ng go! bait ko no? sana wag ako munang kunin ni Lord! =) haha!
malapit na ang birthday ko…, ive been spending the last 8 days of my 32 years lamenting, thinking, and most of all, stressing myself! ewan ko ba.. ugali ko talaga yan kapag malapit na kong magpalit ng age! haha! =) ina-asses ko din kasi ang mga happenings sa buhay ko kaya ganun! i have a lot to be thankful for sa nagdaang taon at san.. mas madami akong pasalamatan kapag 33 na ko! =)
laarni and bugoy habang nagdudueat ng christmas song
bugoy seriously sings paano na kaya!
eto naman ang birit ni laarni ng bakit nga ba mahal kita! =)
me, laarni, bugoy and teacher monet =)
madami na naman ang nainggit sa pic namin ni van! haha! =)
chris singing alone! =)
leizel and bugoy singing no air! =)
kuya benjie our technician, regie valdez, chris, me, bugoy, leizel, and teacher monet =) ang tangakad talaga ni teacher monet noh? =)



















