Home » Archives » January 2009
first installment ng utang ko sa inyo.
January 15, 2009palakpakan niyo naman ako! =) kasi ngayon lang ulet ako nakapag blog! haha! sorrrrrrry ng bonggang bongga! eto po mga pics… medyo outdated pero wag kayong mag alala…darating tayo sa punto na parang pldt lang… ZERO BACKLOG na! been busy with a lot of things, raket at kung anu-ano.. hindi ko rin pinapabayaan ang aking health kaya ive been hooking up (in a very professional way ) with my doctor =) at hindi po ito mental health ha? alam niyo namang normal ko ang pagiging abnormal diba? =)
oha? dalagang Pilipina diba? minsan na may procedure na ginawa sa mom ko ng gabi.. ipinasyal ko siya sa abs-cbn. i took this picture of her a few days before christmas. our mother-daughter relationship is not perfect.., may mga away moments din naman kami but i try my best to be a good anak. im making up for lost time kasi. lalo na nung mga panahon na lagi akong naglalakwatsa saka gumigimik ng bonggang bongga! ngayon ang priority ko.. ginhawa ng pamilya =) ( naks! good girl ba? ) i always pray na sana pahabain pa ni Lord ang buhay niya kasi hindi ko pa naibibigay ang mga pinapangarap niya. gosh.. nasenti na naman daw ako!
new year celebration namin sa loob ng booth! yung iba bilog bilog suot pero ako.. talagang pesos made of gold para bongga! haha! =) me, jack melo, pretty trizza and mareng rr enriquez!
nagbago din ang linggo sa mundo ng radyo.. tuwing linggo kasi kasama ko ang pda scholars! ilang sundays din yun! =) may concert nga pala sila.. its called status.. feb 13 sa ratsky’s tomas morato, 9pm =)
korean! =)
once miguel really got senti… so i gave him an advice.. when you fall inlove with someone.., make sure na maiintindihan ka niya at naiintindihan niya ang linya ng trabaho mo at mamahalin ka niya kahit pa busy ng bonggang bongga ang schedule mo. kapag natutunan niyo ang sistema ng bigayan.. magmamahalan kayo ng matagal =)
feel ko ang hair niya kapag direcho! cool diba?
sabi ni laarni.. ngek! =)
pero eto serious na siya! ako naman ang napahanga sa boses niya =)
love me again mall toyr namin sa trinoma! daming tao!
dimples romana and hubby boyet! =) para nila kong panganay! haha!
mukha na naman akong peklat sa mga katabi ko! mareng angel and dimples!
at kahit inaantok pa ko nung araw na yun.. kinapalan ko na ang mukha kong magpapicture kay arnel pineda na bongga ang level! =)
dami pang susunod…, aayusin ko lang po ang mga pics! =)
i am delayed!
January 13, 2009 no i am not pregnant! i am delayed.. meaning… Long time no blog! It’s not becuase i have not much to say but because i really dont know where to start. I recieved the best birthday gift ever! Para kong nanalo sa beauty pageant, lotto, casino, sakla, pekwa, patintero at piko! I didnt ask for it, yet it was given.. Siguro dahil na rin sa panalangin ko. I never really ask anything specific from the Lord but this is what I always tell Him.. He knows my heart’s desires, but He will give me NOT what i want but what I desreve. December 7, 2008 was the pilot episode of laugh out loud! A weekly radio show in dzmm that i share with the l.o.l. grand winner onse. So far so good! Weve been laughing for a month now! Join na din kayo sa pagtawa! Tuwing linggo po yan 1pm til 2pm sa dzmm 630! Kung may teleradyo kayo.. better! See you channel 26 sa sky cable! December 17 while i was making my give away christmas chocolates… Domi Espejo of Games Uplate Live called me on my cellphone. He told me that jaymee would no longger renew her contract due to personal concerns. Being the pinch hitter of the show, i inherited it from her. One probable reason why i didnt blog for quite a while is because i am being fan sensitive. sensitive sa mga iisipin ng ibang tao at ng mga fans ni mareng jaymee. Honestly, halo ang naramdaman ko noong sinasabi ni principal domi sa kin yun. Wala naman kaming clash ni Jaymee ever since dahil alam ko kung saan ako lulugar at alam ko kung ano ako sa gul. I even spoke to her and asked her the reason why she’s leaving the show and she has her valid reasons that i repsect. I even convinced her to stay kasi tatak na niya ang pagiging “kabagang.” Oo, masaya ako na may minana ako na programa pero mas malungkot ako dahil mag isa na lang ako. ( at mamatay na ko ngayon kung iniisip niyong plastikado ako! ) she’s always welcome to come back.. anytime, any day. Sana napanood niyo ang last episode ng season five last december 20. it was a day to remeber dahil sabay kaming naghost ni jaymee. Ang kulet naming dalawa sa set! Parang nakachongkie! Hahaha! Masayang malungkot kasi nagpaalam na din siya formally. isang linggo na din ako sa gul 6, maraming salamat po sa pagtangkilik ninyo. Sana wag kayong mag-sawa. Download lang kayo ng download as a sign of support sa show. At wag kayong mag alala. Madami pa kaming mga surprise for you solid gul fanatics! Malay niyo hindi lang ako ang makita niyo sa tv… malay niyo… comming soon on a tv screen near you… dumami pa kami bigla! =) gamewise.. may mga madadagdag din kaya abangan niyo po yan! Bago pa man matapos ang taon thankful na ako kay Lord kasi nga may mga bagay na dumating sa buhay ko na hindi ko ine-expect. Sana hindi siya magsawa sa pagbibigay ng biyaya sa ting lahat! God is Good! God is great! All the time!





