Home » Archives » February 2009
kapag malaki ang noo!
February 27, 2009it’s a weekend!
anong plano niyo?
have you noticed na mainit na ang panahon?
at simula na rin ng mahal na araw para sa mga bespren nating mga Roman Catholics! =)
so dont give into temptation tuwing fridays! BAWAL ANG LAMAN! mag-tuna na lang kayo! =)
speaking of which.., i would just like to share with you what happend to my ash wednesday! i really feel the bonggang bonggang guilt kapag hindi ako nakapgsi-simba sa day of obligation.. super konsensya ako talaga! ( hindi naman ako pala safe guard! ) kaya kahit na naka board ako, i tried to hear mass sa Dolphy theater namin dito sa abs kahit na in an installment basis! at pagkatapos nga ng misa eto na ang pila para sa pag papa abo! dahil i was on board, hindi ako mapirmi sa pila, kaya tuwing bumabalik ako i always end up sa dulo ng pila. tatlong beses akong nagpabalik balik…, with matching nagtatakbo sa corridor ng abs. parang laging may emergency! nawiwiwndang tuloy ang mga tao sa amin but wasnt about to give up kahit na lagi akong napupunta sa dulo ng pila! naisip ko mauubos din tong mga nagpapa abo na to! at sa pang apat kong pagja jogging sa corridor papunta ng dolphy theaeter SUCCESS! nakapag pa abo na din ako! PATIENCE IS A VIRTUE! =)
nung nasa loob na ko ng manila radio division office i saw alvin el chico ang laki ng krus niya sa noo kaya sabi ko sa kanya..
L: TART…BAT ANG LAKI NG KRUS MO?
AEC: WAG KA NANG MAGULO DIYAN! GANYAN TALAGA! PAG MALAKI NOO.. MALAKI DIN ANG KRUS!
makes sense nga naman! eh maliit lang noo ko kaya baby cross lang nilagay sa kin. =)
am i the only one feeling this way part2!
February 16, 2009nagdaan na ang araw ng mga puso..
at kahapon nga linggo, after the mall tour with mareng sarah geronimo sa sta lucia east, nagpahinga lang ako ng konti tapos gu-mo ako sa love to love to love concert ng mymp, freestyle and side a! infairnes kailangan palakpakan sila ng bonggang bongga! actually kung ano mang lonliness ang nararamdaman ko nung valentines day.. dala dala ko pa rin yun while watching the concert. while most peolpe were having a good time, ako naman parang shunga lang na nag-iiyak sa dilim lalo na nung mga love songs at letting go songs ang kinakanta nila! ganun pala ang feeling ng pinipigilan ang luha kasi nahihiya din naman akong umiyak ng bonggang bongga! pero in the end sabi ng tears ko.. WHAT THE HELL…. im only human you know! kaya ayun.. super cryola ang lola niyo pero hindi ko na lang pinapahalata sa mga katabi ko… kunwari lang alang nangyayari. nakakapanlambot pala yung ganon na deadma ka lang sa paligid while trying to control your tears and yorself from the hikbi! hawak hawak ko lang ang baso ko ng soda tapos umiiyak. diba para kong tanga! lalo na nung kinanta na ni mareng juris ang nakapagtataka! hay……
mabuti na lang biglang….
KUMANTA SI MARENG JINKY NG SINGLE LADIES!!!
ayun, medyo nabuhayan ako tapos natuluyan na ang pagkawala ng lungkot ko nung pumarty-party na ang mga songs nila!
ewan ko ba kung bakit ako ganun… baka naman nataon lang na senti ang lola niyo =)
bukas ill be having a looooooooooooong day! i have to be in abs by 9:30am may press visit ang ruffa and i and i am one of the lucky few kaya dapat go ako dun! 12nn naman presscon din ni lloydie and sarah ng you changed my life in a moment kaya attend din ako dun!
speaking of you changed my life.. napanood niyo na ba yung trailer? not becuase im a kapamilya ha? pero super kilig talaga siya.. i cant hide it! sabi ko nga sa audience nung sunday… trailer pa lang super kilig na kayo what more kung pinaood niyo pa yung pelikula diba? bigla ko tuloy naalala yung lines ni laida sabi niya.. para kang puzzle… dahil umaga pa lang… nabuo mo na ako! ahahahahay! =)
am i the only one feeling this way?
February 14, 2009happy valentine’s day bespren!
i know a lot of you are still high because of the occasion today. gimmik, date, group date, pila sa…. restaurant etc. im sure madami ang bonggang bongga ang mga kalevelan sa saya dahil nga araw ng mga puso ngayon. kahit pa sabihin mong mahal ang bulaklak, may bibili at bibili pa rin niyan. and while you guys are ecstatic with valentine’s day… am i the only one feeling this way? is there anybody out there who feels or relate with what i feel today?
allow me to explain further…,
after games uplate live kanina bago ako umidlip…, i searched for the lyrics of these favorite emo songs of mine..,
let me be the one - jimmy bondoc
i - 6 cycle mind
take a bow - madonna
pagkatapos…, di pa ko nakuntento.. i searched for the lyrics of these songs and began playing them on my iphone
steep
passenger seat
after a while… i sang along with the lyrics of these songs…,
NATUTULOG BA ANG DIYOS
LEAD ME LORD
and now…, there’s an l-s-s ( last song syndrome ) going on my mind!
I KNOW.. I’LL NEVER.. LOVE THIS WAY AGAIN.. SO I KEEP HOLDING ON… HOLD.. ON..
OH I KNOW.. I’LL NEVER.. LOVE THIS WAY AGAIN! ( DIONNE WARWICK )
at kahit pa hindi tayo pare-parehas ng senti songs… id ask again… am i the only one feeling this way today?
wala naman akong bitterness dont get me wrong, ewan ko ba.. bigla lang akong nasenti.
baka naman dahil na-absorb ko lahat ng mga sinabi ng mga artista na nainterview ko on their thoughts on love and relationship. ( kinig nga pala kayo ngayong maghapon ( feb 14 ) sa 101.9, mga favortie celebs niyo share their kilig at bitter moments when they fell inlove.)
hay.. ewan ko ba.. basta kung ano man ang nararamdaman niyo ngayon..,
HAPPY VALENTINES DAY BESPREN! CHEERS!
birit…,
I KNOW.. I’LL NEVER.. LOVE THIS WAY AGAIN.. SO I KEEP HOLDING ON… HOLD.. ON..
OH, I KNOW.. I’LL NEVER.. LOVE THIS WAY AGAIN!
from my ktext
February 10, 2009kmusta bspren? cguro dhl s lunar eclipse kya iba ang mga orbit ng tao ngyn! knna nlate ako ng pasok kc namn ung trcycle drver prng wala dn s orbit. smakay ako sa tricycle nya sbi ko mother igncia s abs. pg tngin k s relo k late n pla ko at dhl mlapit nko s esguera entrnce sbi k s drver bababa nlng ako pnara k sya pero bnuwelta lng nya ang tricycle ndi nya k pnakinggan bblik nya ko ulet s skayan. ilang beses k syang pinara pero ayaw nya k pkinggan hanggang s malapit n kmi s skyan ulet ng trcycle. Ngalit nko ng bnggang bongga, nging incredible hulk nko. Sbi kuya ano ba? late nko snabi nang bbaba nlng ako eh! Ayun, huminto, tinananong ko kung magkano, ayaw niya magpabayad. knuha ko ang pngalan nya tpos bnaba kolng ang bag k s ofis at pnuntahan k sya sa pilahan ng trcycle. snumbong ko sya s prsidnte ng toda nla. prang ayaw nya kng hrapin at wla nmn ngawa ang toda pres kya pnbaranggay ko sya! Hay nloka ko tlga sa knya imgine mo nung ngrreklamo ko s prsidnte ng toda nkuha p nyng mnood ng tv? o db nkkaloka? Kaya pinabaranggay k sya. Ndi ako proud s gnawa ko. ang akin lng pnablotter ko na may ngyaring ganun ng araw na to para malinaw s records ng baranggay at para may basis sa mga just ncase moments. nung nsa branggy nga kmi tnanong k sya kng bkt ndi sya humhnto d nmn nya ko snagot. hay. ewn kba. iba tlga orbit ng iba ngyn! kapag alam ko na tama ako.. pinaninindigan ko yan ng bonggang bongga kahit magkabaranggayan, presinto, korte o sandigan bayan pa.
gala night!
February 9, 2009ibahin natin ang sabado sa gul para d naman kayo magsawa ng bonggang bongga sa mga suot ko na tshirt at dahil february ngayon uso ang mga js prom… gawin nating gala night ang saturdays ng gul! =) kamusta naman ang paru-parung bukid gown, black crow at ang red ribbon gown ko? nice diba? it was made by my friend enrico! magaling talaga siya gumawa ng mga gowns at siya din ang nagbibihis kay mareng karylle at marian rivera =)si cris naman ang tumitira ng muk up ko every saturdays! =) check their multiply enricarado.multiply and macjoyosa.multiply =)
actually kahit nga puyat puyat work work work pa din! after my program sa fm, tawid ako sa am for laugh out loud kahapon. after that kumain lang saglit tapos fly naman papunta ng sm sucat for sheryn regis mallshow! tapos nun pinamper ko naman ang sarili ko kasi kawawa naman ang buhok ko.. mas stressed pa ata kesa sa katawang lupa ko kaya nagpatreatment ako sabay palinis na din ng kuko! at dahil valentines day is fast aproaching.. red pink ang kulay ng nailsung ko! =)
after the parlor nagsimba naman ang lola niyo kaya lang slightly naloka ako sa pari.. ang bilis niya magsalita! parang naka plus two sa fast forward ang dila ni father! nangingiti tuloy ako magisa ko kasi naisip ko.. si father may lakad pa ata kaya in a hurry na matapos! parang kalahi ni gloc nine ang dating ng dila niya =) nga pala…, ano ang feel na feel mong song kapag nagsisimba o yung song na strikes you most? me?… yung Our Father. its the total prayer na kinanta! pero alam niyo ba hindi ko mabuo buo yun! i always break into tears! ninanamnam ko kasi yung kantang yun lagi eh! noong mga panahong tag hirap pa ang lola niyo.. sa parteng give us this day our daily bread naiiyak na ko dun kasi being a bread isnt really easy. lagi kong sinasabi na siya na ang bahala sa pang araw araw namin. ngayon naman na-surpass ko na ang linyang yan pero pag give us this day our daily bread na.. ipinagdadasal ko lahat ng mga nawalan ng trabaho at mga pamilyang walang makain, you know why? kasi naisip ko na nung mga panahon na hindi ko alam kung saan kukuha ng means para buhayin ang pamilya ko.. im sure someone out there is praying for people like me na distressed in terms of daily bread kaya binabalik ko lang. pero alam niyo hindi ko pa rin natatapos ang our father nang hindi umiiyak. ngayon sa parte naman ng forgive us our sins as we forgive those who tresspass against us.. thats for my dad na iniwan kami. im trying my best to forgive him pero hindi pala parang noodles na instant yun.. it really takes time. iba yung tanggap mo nang hindi siya babalik dahil may pamilya na siyang iba sa papatawarin mo siya ng bonggang bongga! hindi naman ako masamang tao pero masisisi niyo ba ko kung hindi ko siya agad mapapatawad? iniwan niya kasi kami ng walang paalam pagkatapos ako lahat ang umako ng responsibilidad. yung nanay ko nagkasakit dahil sa kanya at kami pa ding magkakapatid ang nag-alaga. ni anino niya di man lang namin nasilayan noong hirap na hirap kami habang siya.. nagpapakasaya sa piling ng iba.. sigh.. nagyon siguro alam niyo na rin kung bakit ganun ko na lang kamahal ang nanay ko.
OK ENOUGH NA ANG EMO!……
balik sa kwento =)
we ate at banapple after just to unwind myself =) had some pesto and back ribs at ang bonggang fudgy mudgy cake nila! ok .. hindi unwind.. pig out! =) mamaya woworkout ako promise! =)





