Home » Archives » 09. February 2009
gala night!
February 9, 2009ibahin natin ang sabado sa gul para d naman kayo magsawa ng bonggang bongga sa mga suot ko na tshirt at dahil february ngayon uso ang mga js prom… gawin nating gala night ang saturdays ng gul! =) kamusta naman ang paru-parung bukid gown, black crow at ang red ribbon gown ko? nice diba? it was made by my friend enrico! magaling talaga siya gumawa ng mga gowns at siya din ang nagbibihis kay mareng karylle at marian rivera =)si cris naman ang tumitira ng muk up ko every saturdays! =) check their multiply enricarado.multiply and macjoyosa.multiply =)
actually kahit nga puyat puyat work work work pa din! after my program sa fm, tawid ako sa am for laugh out loud kahapon. after that kumain lang saglit tapos fly naman papunta ng sm sucat for sheryn regis mallshow! tapos nun pinamper ko naman ang sarili ko kasi kawawa naman ang buhok ko.. mas stressed pa ata kesa sa katawang lupa ko kaya nagpatreatment ako sabay palinis na din ng kuko! at dahil valentines day is fast aproaching.. red pink ang kulay ng nailsung ko! =)
after the parlor nagsimba naman ang lola niyo kaya lang slightly naloka ako sa pari.. ang bilis niya magsalita! parang naka plus two sa fast forward ang dila ni father! nangingiti tuloy ako magisa ko kasi naisip ko.. si father may lakad pa ata kaya in a hurry na matapos! parang kalahi ni gloc nine ang dating ng dila niya =) nga pala…, ano ang feel na feel mong song kapag nagsisimba o yung song na strikes you most? me?… yung Our Father. its the total prayer na kinanta! pero alam niyo ba hindi ko mabuo buo yun! i always break into tears! ninanamnam ko kasi yung kantang yun lagi eh! noong mga panahong tag hirap pa ang lola niyo.. sa parteng give us this day our daily bread naiiyak na ko dun kasi being a bread isnt really easy. lagi kong sinasabi na siya na ang bahala sa pang araw araw namin. ngayon naman na-surpass ko na ang linyang yan pero pag give us this day our daily bread na.. ipinagdadasal ko lahat ng mga nawalan ng trabaho at mga pamilyang walang makain, you know why? kasi naisip ko na nung mga panahon na hindi ko alam kung saan kukuha ng means para buhayin ang pamilya ko.. im sure someone out there is praying for people like me na distressed in terms of daily bread kaya binabalik ko lang. pero alam niyo hindi ko pa rin natatapos ang our father nang hindi umiiyak. ngayon sa parte naman ng forgive us our sins as we forgive those who tresspass against us.. thats for my dad na iniwan kami. im trying my best to forgive him pero hindi pala parang noodles na instant yun.. it really takes time. iba yung tanggap mo nang hindi siya babalik dahil may pamilya na siyang iba sa papatawarin mo siya ng bonggang bongga! hindi naman ako masamang tao pero masisisi niyo ba ko kung hindi ko siya agad mapapatawad? iniwan niya kasi kami ng walang paalam pagkatapos ako lahat ang umako ng responsibilidad. yung nanay ko nagkasakit dahil sa kanya at kami pa ding magkakapatid ang nag-alaga. ni anino niya di man lang namin nasilayan noong hirap na hirap kami habang siya.. nagpapakasaya sa piling ng iba.. sigh.. nagyon siguro alam niyo na rin kung bakit ganun ko na lang kamahal ang nanay ko.
OK ENOUGH NA ANG EMO!……
balik sa kwento =)
we ate at banapple after just to unwind myself =) had some pesto and back ribs at ang bonggang fudgy mudgy cake nila! ok .. hindi unwind.. pig out! =) mamaya woworkout ako promise! =)





