Home » Archives » 16. February 2009
am i the only one feeling this way part2!
February 16, 2009nagdaan na ang araw ng mga puso..
at kahapon nga linggo, after the mall tour with mareng sarah geronimo sa sta lucia east, nagpahinga lang ako ng konti tapos gu-mo ako sa love to love to love concert ng mymp, freestyle and side a! infairnes kailangan palakpakan sila ng bonggang bongga! actually kung ano mang lonliness ang nararamdaman ko nung valentines day.. dala dala ko pa rin yun while watching the concert. while most peolpe were having a good time, ako naman parang shunga lang na nag-iiyak sa dilim lalo na nung mga love songs at letting go songs ang kinakanta nila! ganun pala ang feeling ng pinipigilan ang luha kasi nahihiya din naman akong umiyak ng bonggang bongga! pero in the end sabi ng tears ko.. WHAT THE HELL…. im only human you know! kaya ayun.. super cryola ang lola niyo pero hindi ko na lang pinapahalata sa mga katabi ko… kunwari lang alang nangyayari. nakakapanlambot pala yung ganon na deadma ka lang sa paligid while trying to control your tears and yorself from the hikbi! hawak hawak ko lang ang baso ko ng soda tapos umiiyak. diba para kong tanga! lalo na nung kinanta na ni mareng juris ang nakapagtataka! hay……
mabuti na lang biglang….
KUMANTA SI MARENG JINKY NG SINGLE LADIES!!!
ayun, medyo nabuhayan ako tapos natuluyan na ang pagkawala ng lungkot ko nung pumarty-party na ang mga songs nila!
ewan ko ba kung bakit ako ganun… baka naman nataon lang na senti ang lola niyo =)
bukas ill be having a looooooooooooong day! i have to be in abs by 9:30am may press visit ang ruffa and i and i am one of the lucky few kaya dapat go ako dun! 12nn naman presscon din ni lloydie and sarah ng you changed my life in a moment kaya attend din ako dun!
speaking of you changed my life.. napanood niyo na ba yung trailer? not becuase im a kapamilya ha? pero super kilig talaga siya.. i cant hide it! sabi ko nga sa audience nung sunday… trailer pa lang super kilig na kayo what more kung pinaood niyo pa yung pelikula diba? bigla ko tuloy naalala yung lines ni laida sabi niya.. para kang puzzle… dahil umaga pa lang… nabuo mo na ako! ahahahahay! =)




