Home » Archives » 15. May 2009
eye naku!
May 15, 2009Im on board right now with Ric Rider while blogging. =) it’s four minutes to 8pm. Guess what happened to my left eye last night? Grabe naloka tlaga ko ng bonggang bongga! Chill lang akong nanonood ng boys over flowers sa tinutuluyan kong bahay somewhere in q.c. nang biglang nangati ang left eye ko. Pinatingin ko pa nga sa mga kasama ko sa bahay kung may dumi ba o pilik mata kasi irritating talaga ang level ng itchiness niya! Wala naman daw anything or something kaya hindi ko pinansin! I went to the toilet to pee at habang jumijingle ako.. nararamdaman ko na parang magpo-popout na yung mata ko! Nagluluha na rin siya non-stop! Pagtingin ko sa salamin nagulat ako kasi bigla na lang siyang namula at namaga! Yung sclera ko umalsa kaya na-alarm ako…
Nagpanic ang mga tao sa bahay! May napayosi pa nga sa sobrang kaba! Ako naman ang iniisip ko.. paano na ang uplate mamaya! Haaaah! Panic, panic panic! Buti na lang there are doctors in the house! At optha pa! love talaga ako ni bro! sabi ni doc mike.. ay allergic conjunctivitis yan! Siguro may kinain ka na naman ano? Syempre hindi ko na pinansin ang kundisyon ng mata ko kasi ung brain ko ang sinasabi “malapit nang magbandila… aaaaaah! Anong itsura ko sa tv! oh no! mukha akong one eyed monster! paano na ang uplate!” Ngarag daw ang brain at haggard ang level! Hahaha! He sat me down on a chair tapos sinaksakan ako ng steroids para direcho na sa ugat at matanggal agad ang maga! Kaya lang time wasn’t on my side kasi hindi naman agad agad ang pagsubsude ng mata kong lumobo ng bonggang bongga diba? Kaya ayun… nagsuot daw ng shades ang luley niyo sa uplate! =) hahaha! At para terno.. pati damit ko may mga drawing din ng shades para cool na cool lang ang level diba?
After uplate bumili ako ng eyedrops. Naholdup na naman ako ng drugstore! Very P700 pesos ang maliit na bote ng pampatak sa mata kaya ipinikit ko na lang ang mata ko habang nagbabayad din! =) bago ako matulog nararamdaman ko na ang epekto ng steroids…. Gorggy na ang level ko hanggang kanina pag gising ko, nahihirapan akong bumangon kasi feeling ko, naka-pako ang katawang lupa ko kama! ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Kundi pa ko nawiwi hindi pa ko mapapabangon. Nalate tuloy ako sa meeting namin! =) I still had to wear dark glasses to work kanina just to protect my eyes from dirt pero pag dating ko ng office tinanggal ko na rin siya. slightly namamaga pa rin at naiilang ako sa vision ng left eye ko pero kung di mo naman papansinin at tititigan ng bonggang bongga makakalusot na kaya im hoping mamaya hindi na ko naka bubuyog glasses! Kita kita tayo mamaya! May mananalo na naman ng nokia 5000 na cellphone!
Sabi ni doc mike its allergic conjunctivitis pero ako naman that’s what I call “boys over flowerdism!” =)
Nga pala, It’s a weekend and its pay day! =) enjoy the weekend but don’t get to drunk! =) stay safe bespren!





