Home » Post Item » happy to be with family
happy to be with family
November 19, 2009ilang buwan din akong hindi nakauwi ng balikan sa bahay namin sa las pinas kaya naman i am happy na ngayon kahit na papano nakakauwi ako! minsan ginagabi pa rin sa trabaho pero hindi naman inu-umaga =)
dont get me wrong ha? i love what i am doing sa uplate. kung di ko yun mahal eh di sana di ako nagtagal! kaya lang kasi eh alam niyo naman kasi ang lola niyo… commutera pa rin hanggang ngayon! =) dont ask where the money has gone.
but since andyan na rin lang tayo sa topic na yan.. aside from commuting keeps me grounded, nagbabayad pa ako ng utang ng tatay kong magaling plus our las pinas home is.. under renovation! =) yup! ang katas ng laway ni laila dun napunta and i am happy about it. kasi naman thirty years na kami nakatira sa bahay namin sa las pinas at mula nung iniwan kami ng tatay ko, ( sumakabilang bahay po siya just to refresh your memory ) naranasan ko nang matulog na may katabing palanggana habang umuulan ng malakas! aside from sleeping on the floor na may latag lang na banig at matress dahil yung kuya ko pinagkutaan na ang kwarto ko dahil yung kwarto niya… inanay =) kakalokaaaaaah! =) bukod pa yun sa mga sirang gripo, de buhos na toilet etc, etc =) kaya ngayong medyo nakaipon ako ng konti pina-ayos ko ang baler china ng lola! ang mommy ko ang pinapili ko ng feel niyang flooring sa family hall namin, pati na din sa library at kwarto niya ( malaki ang bahay namin, we used to have kaya before kaya lang nagloko ang tatay ko at iniwan kami ng bonggang bongga. ) at naloka naman daw ako kay madir nang bigla siyang naglambing ng… luma na din daw ang tiles ng counter namin sa kitchen kaya ayun si mudra… naglambing ng granite na slabs for her kitchen! sagot ko sa kanya, kung diyan ka masaya eh di sige… eto pa… ayaw na niyang papinturahan ang mga pader ng bahay.. dahil gusto daw niya wall paper… meron pa ba nun? pero still, i told her.. kung ikasasaya mo yan.. eh di go! =) why do i say yes always to my mom? aside from i love her, naisip ko na baka pag nirenovate ko ang bahay eh mawala na ang memories niya nung andun pa si father sa house! ( dinadamdam pa din niya yun until now eh ) baka sakaling maka move on siya kapag namake over ang baler niya. and i think somehow.. it is working! =) madalas niyang sabihin na malapit na siyang mag retire.. ( as in kunin ni Lord ) pero lagi ko naman sinasabi sa kanya na antayin mo naman muna matapos yung bahay!! ikaw pumili ng mga tiles at materyales eh diba? =) seriously… sana wag muna kasi parang kasisimula ko pa lang na maibigay sa kanya yung buhay na gusto niya! sana po wag muna.
namiss ko talaga ang bahay ko sa las pinas! i am glad to be back! =)
Previous Comments
Doesn’t it feel good to see where your hard earned money goes? I’m glad you’re able to do your family a favor by renovating your house. You’ll definitely be blessed for being kind.
Posted by Knowledge Process Outsourcing at March 16, 2010, 12:48 pmAs I was looking for Belo site I accidentally came across your site. Glad, napunta ako sa blog mo.. I really enjoy reading your entry… have a wonderful day to you… tc
Posted by che at April 23, 2010, 5:16 am





Hi Mars!!! kamusta, d na kita makausap, hindi na natuloy ang kape natin, ilang taon n yan!!!!
Posted by rowald at November 28, 2009, 11:58 pm